Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2013

Happy Birthday Budoy

Imahe
Mabilis ang panahon, depende sa nakikita, naririnig, naaamoy at nararamdaman. Dahil sa mabilis na panahon, hindi ko inakalang 19 years na pala akong nakikipag-bunong braso sa panahon kasabay ang iba't-ibang klima ng bawat araw. Maraming salamat po sa lahat ng bumati sa Facebook kahit na naka-hide ang birthday ko,  naalala niyo pa din akong batiin. Maraming salamat po mga isang sako. Sa mga nagsolicit ako para batiin lang ako, maraming salamat po mga isang sako. "Sagot mo cake sa birthday ko hah?"  pagkasabi ko kay Chang habang papikit-pikit ang mata. Hindi naman ako nabigo sa hiling ko. Kahit sa picture lang natupad niya pa din ang kahilingan ko. Sobrang na-touch ako. Maraming salamat mga isa't kalahating sako. (Yung kalahati para sa picture.) "Sagot mo Carbonara sa birthday ko hah?" pagkasabi ko kay Ai-Ai. Hindi rin ako nabigo sa hiling ko sa kanya dahil kagaya kay Chang sa picture din binigay ni Ai-Ai ang hiling ko.

Para Kay Leo Lopez

Imahe
Si Ku Le. Mahaba ang buhok na may konting kulot. Mala-porselanang balat. Dalagang Pilipina. Look alike ni Eva Fonda. At Maganda. Oo, maganda. Maganda nga. Maganda part 2. Hindi ko alam kung paano at kung ano ang isusulat ko. Piniga ko. Piniga ko ulit. Pinigang-piniga hanggang may pumatak. At ito ang patak..... Ang paghikab ng walang emusyon.  Pangalawang pagnga-nga: Medyo pagnguso at konting pagnga-nga. Pangatlong pagnga-nga: Ang tawag daw sa ganitong ngiti ay EBbabe smile. Sa kanila ko lang nalaman na may iba't-ibang klase ng ngiti kagaya nito. Kaya naman kung ikaw ay sobrang saya kina-kailangan ganito ang pagngiti mo. Maliban sa paghikab, medyo ngumuso konting pagnga-nga at mag-EBbabe smile sa litrato mahilig din siyang magpakuha ng litrato habang nagangamot ng likod. Ang ganda. Ang gandang christmas tree. Dahil wala akong masabi sa litratong ito.  Nagtanong ako sa iba kung ano ang masasabi nila dito. 

Kamukha ni Sir?

Imahe
Matunong ang kantang ito. kalat ang opinyon ukol sa movie na 'to. Kaya naman nagkaroon ng laman ang isipan upang gumawa ng bagay na hindi mo akalaing magagawa o maiisip sa isang pitik bulag mo lamang.   Hango ang kantang ito sa movie ng "Despicable me" - na ngayon ay may Part II at kasalukuyang ipinapalabas sa mga sinehan. Dahil sa kalat at matunog ang "Despicable me" nagkaroon ng bulong-bulungan ang mga socially concerned citizens ukol dito. Sino ang kamukha nito? Tao ba 'to? Bagay? Lugar? Parte ng katawan ng tao? Sino? Ano? Paano? Bakit? Hindi naman gaanong kamukha. Mga 1/2 lang ang nakuha nito. Bago ko sabihin kung sino ang kamukha nito.  Maaring niyo ba akong pagdasal na payapa pa din akong makapaglakad sa labas at magbiyahe na walang kahit na ano mang masamang mangyayari sa akin. Mapapangako niyo po bang pagdadasal niyo yon? Susuportahan niyo pa din po ba ako kahit na anong man

Finay! Finoy! Filipinas!

Fa Fe Fi Fo Fu....... Sabi nila kung ikaw ay sosyal o may muscle sa buhay, ma-"F" ka.  Halimbawa: - Nakakaasar ka. Your so G-R-R-R! Where ka ba Fumunta? Mayroon namang english na ininglish pa ulit. - Friend, Oh my God! She's Foor. Huwag mo siyang kausapin. Let's go na! Mayroon ding ipilit mo baby. - Sabi ni Teacher may Farenthesis daw dyan para daw madaling ma-compute. Wala namang masama kung ma-"F" ka, masarap ngang paringgan sa taenga parang sosyal na sosyal at bihasang-bihasa sa wikang ingles. Sa mga nakaraang araw madaming usap-usapan tungkol sa "F" at nagdedebate ang karamihan dahil dito. Ano nga bang mayroon 'tong "F" na ito kung bakit palipad-lipad ito ngayon? Dahil sa ni-labas na balita ng  Komisyon sa Wikang Filipino  o pagpasiya, nagkaroon ng usap-usapan ang bawat Pilipino. (i-click lamang ang Komisyon sa Wikang Filipino upang mas maunawaan) Pabor ako sa pagpasiyang "Filipinas&