Unang Tinta

Unang tinta sa daliri patunay na ikaw ay naki-isa.

Unang beses kong pumili at bumoto.

Dahil unang beses ko nga ito, madami akong tanong na onti-onting nagbibigyan kasagutan dahilan lamang upang maka-pili ako ng nais kong iboto.

Una, palakasan ng boses ang bawat kandidato. Ikakalat ang pangalan sa buong bansa upang maiwan ito sa isip at magbigay paraan upang maisulat sa balota ang kanilang pangalan.

Pangalawa, gamitan ng iba't-ibang sangay ng pamilya upang mabitbit sila sa inaasam-asam na tagumpay. "Nanay, Tatay gusto kong tinapay. Ate, Kuya gusto kong kape. Lahat ng gusto ko ay susundin niyo. 1, 2, 3....."

Pangatlo, mas madaming botanteng mas pinaniniwalaan base sa kapasidad ng nakikita at naririnig. Sabay sa daloy ng mundo. "Uso ito, bibili ako nito" " Gusto ko ng NEVER GIVE UP na t-shirt".

Pang-apat, nagbibingi-bingihan sa kembot ng kandidato. Mas pinaniniwalaan ang patalastastas kaysa sa bigkas ng plataporma.

Pang-lima, nagpapabayad sa bawat tinta ng pangalan. Mas madaming tinta, mas madaming bayad. 

Sa telebisyon, bawat istasyon ay may programa upang makilatis ang mga tumatakbong mga muscleman. Tiniis kong panoorin ang mga letrang binibigkas ng bawat kandidato upang makapili ng karapat-dapat sa tintang ibibigay mo- dahil unang beses ko itong boboto at mamili ng magiging mucleman ng Bansa.

.
.
.

Tapos na ang botohan at tapos na ang bilangan. May na-proklamang doseng senador, kasalukuyang nagdidiwang sa oras na ito.

Huwag kang magugulat. Totoo ito. Pa-sampal ka, hindi ito isang panaginip.

12 bagong sendor ng Pilipinas:

1. Grace Poe - Bukod sa magalang, mahilig din siyang gumamit ng ibang pangalan upang makilala. Walang karanasan ngunit nanguna sa halalan. Mahilig siyang kumain ng sugPOE at magaling siya maglaro ng TuromPOE.

2. Loren Legarda- Bukod sa pagpapakita ng muscle mahilig din siyang pumapak ng kape. Kaya niyang magbending habang sinusulat ang pangalan.

3. Chiz Escudero- Kaya niyang magbato ng mga tayutay at kung ano-ano pang salitang galing sa baul. Hindi rin siya nawawala sa mga okasyon lalo ng kung may mga pastang handa.

4. Allan Peter Cayetano- Mahilig siyang mag-gel ng buhok kahit nasa bahay lang at may paliparang dala-dala kahit saan man ma-punta.

5. Nancy Binay- Isa sa pinaka-kontrobersyal na senador. Bukod sa pagpapa-bleach, mahilig din siyang umistambay sa arawan. Mangampanya sa tirik na araw.

6. Sonny Angara- Magaling na sendor ang Tatay ni Sonny. Madaming naipasang batas at naging idolo sa senado. Ang alam ko lang kay Sonny ay nagpapatili ng sambayang Pilipino kasama ang Ate kong makinis simula paa hanggang leeg.

7. Bam Aquino- Si Bam Aquino ay isang Aquino. Laganap na ang Aquino. Tumambay ka lang sa kanto ay may Aquino na. (Next)

8. Koko Pimentel- Mahilig itong magpakuha ng litrato habang naka-wacky. Magaling siyang magkwenta kahit naka-pikit, baligtad, split at habang tumatambling.

9. Sonny Trillanes- bawal siyang biruin dahil kamag-anak niya si Jackielyn Jose at Cherie Gil.

10. Cynthia Villar- Nakakaubos siya ng  isang bote ng Cherifer sa isang araw. Mahilig din siyang maghanap ng trabaho at mamigay ng Bahay. Magaling siyang magdougie at crumping.

11. J.V Ejercito- Mahilig siyang kumain ng Letchon, sisig at Chicharon. Hinahabol niya din ang kakisigan ni Erap at Jingoy.

12. Gringo Honasan- Ang hearthrob ng Senado. Kagaya ni Trillanes ay seryoso siyang tao.


Madaming bagong mukha ngunit luma ang apleyido.

Bigyan natin sila ng pagkakataon upang ma-patunayan ang kanilang sarili at mabura ang negatibong imaheng dinadala nila habang sila ay kasalukuyang nagsisismula.


Unang tinta sa daliri patunay na ikaw ay naki-isa.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Fake News ka ba?