BUDOYOLOGY
Sa bawat tilaok ng manok sa bawat araw na binibigay ng Diyos na kahit problema pa ang binabato at sinasalo natin nakukuha pa rin natin ngumiti na pawang walang iniisip at humihinto ang oras upang ngumiti at humalakhak habang napupunit ang mga labi. Naranasan mo na bang lumangoy sa dagat ng basura? Ako hindi pa. Si Villar OO! Kahit na alam natin na joke lamang iyon at takteka nya sakanyang pangangampanya. Walang basagan ng trip. Pero hindi yan ang nais kong ikwento. Bigla lang pumasok sa isip ko ang bagay na yan. Madaming nangyari. May mga taong urong sulong sa pagpasya at may taong gustong hinahabol ngunit nakakapagod. Dahil dito kaonti lamang kaming nagsaya at lumabas para mabawasan ang mga iniisip, marelax at ngumiti kahit saglit kasama ang mga taong nakatatak na sa puso at isip natin. Libre ang paglabas na ito. May isang taong mataba ang puso at pangangatawan ang nagbigay ng ganitong pagkakataon sa amin upang magpasaya. Itago natin sya sa pangalang Piolo Pascual. Pagbigya