BUDOYOLOGY
Naranasan mo na bang lumangoy sa dagat ng basura? Ako hindi pa. Si Villar OO! Kahit na alam natin na joke lamang iyon at takteka nya sakanyang pangangampanya. Walang basagan ng trip. Pero hindi yan ang nais kong ikwento. Bigla lang pumasok sa isip ko ang bagay na yan.
Madaming nangyari. May mga taong urong sulong sa pagpasya at may taong gustong hinahabol ngunit nakakapagod. Dahil dito kaonti lamang kaming nagsaya at lumabas para mabawasan ang mga iniisip, marelax at ngumiti kahit saglit kasama ang mga taong nakatatak na sa puso at isip natin.
Libre ang paglabas na ito. May isang taong mataba ang puso at pangangatawan ang nagbigay ng ganitong pagkakataon sa amin upang magpasaya. Itago natin sya sa pangalang Piolo Pascual. Pagbigyan natin dahil libre nya. Kahit na sa hiling kong Double Cheese Burger na hindi natupad alam naman namin na napaka bait nyang tao at iniisip ang pamilya bago ang sarili nya. Pwede na syang bigyang parangal na THE BIGGEST LOSER.
Ito ang mga piling letrato.
Unang Pektyur. Sa isang ngiti ay napaka laking halaga para sa nakararami. |
Pangalawang Pektyur. Minsan hindi sukatan ang magandang itsura sa imahe upang masabi na Pogi at Maganda ang isang tao. |
Pangatlong Pektyur. Hindi madumi ang paa namin. Kasalanan yan ng mga alikabok na nadaanan. |
Maraming salamat sa kaonting oras na ginugol ng bawat isa upang mapag-isa ang bawat ngiti ng bawat isa. Maraming salamat din sa gastos na nasuklian ng punit na labi.
Ang pagbibigay oras sa pamilya at kamag-anak ay isang paraan upang magkaroon ng konkretong pagsasamahan na nagbibigay ng malawak na pagkakaibigan at halaga ng bawat isa sa pamumuhay sa mundo o bansang puro problema at kalamidad na hindi balakid upang ngumiti. Ugaling Pilipino!
ANG DAMI KONG SINABI. WALANG BASAGAN NG TRIP. :))
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento