Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2013

Tunay nga bang Natutulog ang Diyos?

Dumilat ang aking mga mata. Lahat ng kulay sa paligid ay maputla tanganing liwanag  ng araw sa bintana ang nagbigay liwanag sa aking pagmulat. Sa bawat araw na duma-daan hindi ko maiwasang pag-aralan ang bawat kilos ng aking katawan. Hakbang sa kanan, kailangang lumawak ang pag-iisip upang maiintindihan ang bawat nangyayari. Absorb sa nakikita at naririnig upang maging instumento sa susunod na bukas. Hakbang sa kaliwa, unawain ang bawat parte ng bahay. Kailangang tibayin ang bawat paghakbang. Bawal kumawala. Pagbibigkis-bigkis ang kailangan upang baguhin ang dating umaga. Hindi ko alam kung batok, sampal o tadyak ang kinahaharap namin ngayon. Sa bawat patak ng luha ay may kahulugan. Walang sayang na luha na dumadaloy patungo sa ilog ng alaala. Sa murang edad sumasabak sa tunay na reyalidad, gasgas ang puso at isip at naka-ngiting mukha ngunit napapalooban ng kalungkutang sumisigaw na konsensya. Gusto kong sumabay sa agos ng buhay ngunit pinipigilan ako ng bara sa isip upang kumil

Si Janine Togonon, Si Janine na Sikat at Si Janine na Maganda

Imahe
Ang ganda mo. Feel na feel ang long hair mo.... Kumalat ang balita. Kalat -kalat. As in kalat na makikita mo kahit saang parte ng Pilipinas. Tatlong beses yinanig ni Janine Togonon  ang bansa, dahil dito huminto ang oras ng mga tao upang pag-usapan ito. Tsismis sa parlor, Tsismis sa palengke, at tsisimis ng kapit bahay namin na nagsanhi ng pagyanig ng bansa. Unang pagyanig  - Lahat ng tao ay tutok sa kanilang mga telebisyon upang mapanood ang laban ni Janine sa Miss Universe noong nakaraang taon. Walang traffic, walang krimen at walang socially concerned citizen ang naka-istambay sa kanto. Pina-tigil niya ang oras ng sambayang Pilipino dahil dito. Pangalawang pagyanig - Nang matapos na ang kompetisyon na sinalihan nito. Nagkaroon na ng pagkakataon upang ma-interview si Janine na may dalang dalawang sakong kwento. Ininterview na nga ito. Pagkatapos niyang ma-interview ay binigyan naman ng pagkakataon ang kanyang boyfriend upang makilala ng sambayanang Pilipino. Paglabas

Nese Eye ne Eng Lehet na Ayaw Paawat

Imahe
Nese Eye ne eng lehet menemehel keteng 'pegket. Nese eye ne eng lehet pete eng pese ke...... Sa araw-araw na pagbomba ng mga usok ng sasakyan sa kalsada, pakikipag-talastasan ng mga nagbebenta sa palengke, at mga tambay sa kanto tuwing gabi- hindi mawawala sa tugtugin ang Nasa Iyo na Ang Lahat ni Mr. Daniel Padilla. Sa bawat sampung kanta na pinapatugtog sa radyo, walo dito ay iba't-ibang kanta sa iba't-ibang singer ngunit dalawa dito ang walang kamatay-matayang Nasa Iyo na Ang Lahat ni Mr. Daniel Padilla. Sa bawat sampung taong may sariling cellphone, siyam dito ang may Music o mp3 sa cp at tatlo sa kanila ang may Nasa Iyo na Ang Lahat ni Daniel Padilla. Hindi kataka-taka kung ang buong sambayanang Pilipino ay maging national anthem itong kantang 'to. Bukod sa lagi itong naririnig, lagi din itong katabi ng mga kabataan sa pagtulog. Nagdudulot tuloy ito ng pagka-LSS ng mga tao. Ang Nasa Iyo na Ang Lahat ni Mr. Daniel Padilla ay isa sa mga kantang pinang-laban