Tunay nga bang Natutulog ang Diyos?

Dumilat ang aking mga mata. Lahat ng kulay sa paligid ay maputla tanganing liwanag  ng araw sa bintana ang nagbigay liwanag sa aking pagmulat.

Sa bawat araw na duma-daan hindi ko maiwasang pag-aralan ang bawat kilos ng aking katawan. Hakbang sa kanan, kailangang lumawak ang pag-iisip upang maiintindihan ang bawat nangyayari. Absorb sa nakikita at naririnig upang maging instumento sa susunod na bukas. Hakbang sa kaliwa, unawain ang bawat parte ng bahay. Kailangang tibayin ang bawat paghakbang. Bawal kumawala. Pagbibigkis-bigkis ang kailangan upang baguhin ang dating umaga.

Hindi ko alam kung batok, sampal o tadyak ang kinahaharap namin ngayon. Sa bawat patak ng luha ay may kahulugan. Walang sayang na luha na dumadaloy patungo sa ilog ng alaala. Sa murang edad sumasabak sa tunay na reyalidad, gasgas ang puso at isip at naka-ngiting mukha ngunit napapalooban ng kalungkutang sumisigaw na konsensya.

Gusto kong sumabay sa agos ng buhay ngunit pinipigilan ako ng bara sa isip upang kumilos ng nararapat upang maka-sabay sa bato, sampal o tadyak ng punong maugat at natutuyotna dahon.

Kailangan ko bang maniwala sa Diyos?
Patuloy pa ba akong magdadasal?
May Diyos nga bang nagbabantay at nakikinig sa bawat kahilingan?
Medyo mabait naman ako bakit walang balik?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon