Unang Tinta
Unang tinta sa daliri patunay na ikaw ay naki-isa. Unang beses kong pumili at bumoto. Dahil unang beses ko nga ito, madami akong tanong na onti-onting nagbibigyan kasagutan dahilan lamang upang maka-pili ako ng nais kong iboto. Una, palakasan ng boses ang bawat kandidato. Ikakalat ang pangalan sa buong bansa upang maiwan ito sa isip at magbigay paraan upang maisulat sa balota ang kanilang pangalan. Pangalawa, gamitan ng iba't-ibang sangay ng pamilya upang mabitbit sila sa inaasam-asam na tagumpay. "Nanay, Tatay gusto kong tinapay. Ate, Kuya gusto kong kape. Lahat ng gusto ko ay susundin niyo. 1, 2, 3....." Pangatlo, mas madaming botanteng mas pinaniniwalaan base sa kapasidad ng nakikita at naririnig. Sabay sa daloy ng mundo. "Uso ito, bibili ako nito" " Gusto ko ng NEVER GIVE UP na t-shirt". Pang-apat, nagbibingi-bingihan sa kembot ng kandidato. Mas pinaniniwalaan ang patalastastas kaysa sa bigkas ng plataporma. Pang-lima, nag