Uso ka nga ba o uso ka?
Habang may malikot na imahinasyon, hindi mawawala ang pabago-bagong gimik o uso na pilit ikinakalat sa merkado o makikita na lamang sa sahig at pupulutin na lamang upang makisabay sa agos ng modernong panahon. Ma-impluwensya ang bawat nakikita at naririnig. Hindi mo maiiwasang hindi makisabay sa modernong panahon. Habang naka-istambay ako sa tindahan malapit sa amin, may pumukaw sa aking mata. Isang babaeng pa-lakad papuntang tindahan na may dalang Ipad. Oo, Ipad yung touch screen na usong-uso ngayon. (Tumatanggap po ako ng pinaglumaang Ipad.) Pindot siya. Pindot ulit. Pindot ng pindot hanggang makarating sa tindahan kung saan ako naka-istambay. Dahil tsismoso ako tiningnan ko kung anong mayroon sa Ipad niya kung bakit bitbit pa niya ito hanggang sa tindahan. Naglalaro pala ng Candy Crush. Hindi maiwanan dahil sa Candy Crush. Nakalimutang magsuklay dahil sa Candy Crush. Ang daming naa-adik sa larong ito. Bukod kasi sa makukulay na detalye ng laro, nagkakaroon din n