Uso ka nga ba o uso ka?
Habang may malikot na imahinasyon, hindi mawawala ang pabago-bagong gimik o uso na pilit ikinakalat sa merkado o makikita na lamang sa sahig at pupulutin na lamang upang makisabay sa agos ng modernong panahon.
Ma-impluwensya ang bawat nakikita at naririnig. Hindi mo maiiwasang hindi makisabay sa modernong panahon.
Habang naka-istambay ako sa tindahan malapit sa amin, may pumukaw sa aking mata. Isang babaeng pa-lakad papuntang tindahan na may dalang Ipad. Oo, Ipad yung touch screen na usong-uso ngayon. (Tumatanggap po ako ng pinaglumaang Ipad.)
Pindot siya. Pindot ulit. Pindot ng pindot hanggang makarating sa tindahan kung saan ako naka-istambay. Dahil tsismoso ako tiningnan ko kung anong mayroon sa Ipad niya kung bakit bitbit pa niya ito hanggang sa tindahan.
Naglalaro pala ng Candy Crush. Hindi maiwanan dahil sa Candy Crush. Nakalimutang magsuklay dahil sa Candy Crush.
Ang daming naa-adik sa larong ito. Bukod kasi sa makukulay na detalye ng laro, nagkakaroon din ng kompetisyon na nagbibigay buhay upang malagpasan ang bawat stages sa larong ito. Sabi ni Chang Nelly, ang sarap ng feeling kapag nakakalagpas ka sa level na pinaghirapan mo para maka-kembot sa susunod na level.
Sa bawat 20 Pilipinong may account sa Facebook 15 sa kanila ay naglalaro ng Candy Crush, 2 sa kanila nagpapa-cute lang at 3 sa kanila ay hindi mahilig sa mga larong katulad nito.
Narinig mo na ba ang kantang ito? Kung hindi, magbending ka habang sinusulat ang pangalan sa malinis na papel.
Tuwing gabi, hindi ako nakakatulog kapag walang tugtog o kantang naririnig. Nagbubukas ako ng radyo. Binubuksan ko. Kukuha ako ng screw driver para mabuksan ito. Joke lang.
Hindi ko alam kung nasasakto ang pagbukas ko ng radyo o talagang lagi lang pinapatugtog ang Just Give me a Reason ng Pink. Dahil bawat gabi 235 na beses yatang pinapatutug ito. Bakit hindi ako nagsasawa? Hindi ko alam kung anong espiritu ang bumabalot sa kantang ito at gustong-gusto ng mga tao.
Hindi ako magtataka dahil pumapalo ng ang kantang ito sa youtube ng 137, 234,567 at hindi ako magtataka dahil lahat ng kaibigan ko ay may kantang ito.
Sa bawat 10 tao na may mp3 ang cp 7 sa kanila ang may Just Give me a Reason ng Pink, 3 sa kanila ay hindi updated o kasama na sa tanderbirds company.
Ma-impluwensya ang bawat nakikita at naririnig. Hindi mo maiiwasang hindi makisabay sa modernong panahon.
Ano nga ba ang batayan para maging uso ang isang bagay?
Ako po si Don Gerard Budoy, kasalukuyang Level 54 na sa Candy Crush at may Just Give me a Reason ng Pink sa cp.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento