Malawak na Pag-iisip Lahat ng Bagay Kayang Bigyan ng Kahulugan! Part 2
Ang pamahiin ay isang paniniwala na walang batayan at hindi pa napapatunayan. Kagaya ng una kong naisulat nababalutan din ito ng paniniwala na walang batayan ngunit patuloy pa ding gumagalaw kasabay ang hanging dumadampi sa mga balat. Halos isang linggo akong nasa bahay, hindi kumikilos dahil sa nararamdaman. Pabalik-balik ang init ng katawan at patakbo-takbo sa banyo para sumuka. Isang banig ng gamot at sampung araw na pahinga. (Yung iba over-time) Dahil sa sakit na ito, naglipana ulit ang mga bulong-bulungan ng mga socially concerned citizens. 1. Kakainom yan! - Sabi sa akin ng kaibigan kong mahilig takpan ang mukha ng iba't-ibang panapal. - Siguro dahil sa pag-inom nga kung bakit ako nagkasakit, sunod-sunod kasi ang mga yaya doon at yaya dito pagkatapos ng birthday ko. 2. Kakapuyat yan! - Sabi naman sa akin ng Tatay ko. - Hindi naman ako nagpupuyat. Nasanay lang akong matulog kapag ngingiti na ang araw at titilaok na ang mga manok. 3. Bak