Malawak na Pag-iisip Lahat ng Bagay Kayang Bigyan ng Kahulugan! Part 2

Ang pamahiin ay isang paniniwala na walang batayan at hindi pa napapatunayan.

Kagaya ng una kong naisulat nababalutan din ito ng paniniwala na walang batayan ngunit patuloy pa ding gumagalaw kasabay ang hanging dumadampi sa mga balat.

Halos isang linggo akong nasa bahay, hindi kumikilos dahil sa nararamdaman. Pabalik-balik ang init ng katawan at patakbo-takbo sa banyo para sumuka. 

Isang banig ng gamot at sampung araw na pahinga. (Yung iba over-time) 

Dahil sa sakit na ito, naglipana ulit ang mga bulong-bulungan ng mga socially concerned citizens.

1. Kakainom yan!

- Sabi sa akin ng kaibigan kong mahilig takpan ang mukha ng iba't-ibang panapal.
- Siguro dahil sa pag-inom nga kung bakit ako nagkasakit, sunod-sunod kasi ang mga yaya doon at yaya dito pagkatapos ng birthday ko.

2. Kakapuyat yan!

- Sabi naman sa akin ng Tatay ko.
- Hindi naman ako nagpupuyat. Nasanay lang akong matulog kapag ngingiti na ang araw at titilaok na ang mga manok.

3. Baka nabalis yan!

-Sabi sa akin ni Medusang may pangangatawan.
-Hindi ako naniniwala sa balis. Hindi ako naniniwalang may super powers ang mga tao o enerhiyang kaya kang kontrolin pisikal man o emusyonal.

Madaming opinyon dahil madaming dahilan? o madaming opinyon dahil madaming paniniwala?

May kaibigan akong kasalakuyang may dala sa kanyang tiyan. 
Sabi sa akin ng mga kaibigan ko gusto daw ako nitong laging nakikita.

Sa dami-daming tao sa mundo bakit ako pa? Maawa ka sa magiging anak mo. Huwag ako walang future. 

Dahil nagkalat na ang opinyon nila baka daw nabalis ako nito, kailangan ko daw magpabuhos ng tubig sa taong ito para mawala ang balis at gumaling na ako.

Kinabukasan ay nandoon na nga siya para buhusan ako ng tubig. Kailangan daw tatlong buhos ng tubig. Bawal sumobra at bawal kulang. 

Binuhusan nga niya ako.

Isang buhos.

Dalawang buhos.

Tatlong buhos.

Hindi nagtagal gumaan na ang pakiramdam ko. Parang magic. Parang joke lang pero totoo.

Tototoo nga bang may balis?

May powers nga ba ang mga tao?

Dahil ba sa pagbuhos ng tubig?

Dahil ba saktong tatlong buhos lang? Hindi kulang at hindi sobra?

Isip lang ba ang dahilan sa mga bay na ito?

Tulungan niyo po akong kamutin ang isipan ko para malaman ang katotohanan.

ANG PAMAHIIN AY ISANG PANINIWALA NA WALANG BATAYAN AT HINDI PA NAPAPATUNAYAN!





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon