Ang Pag-irap ng Tren
Kailangang ilabas ang muscle para maabot ang inaasam-asam na tagumpay. -Ang pagsakay ng MRT. Kanina, pauwi ako galing sa konting Boni at medyo Mandaluyong sumakay ako ng MRT. Alam kong kailangan kong maglabas ng muscle para makasakay kahit konti lang pero kanina hindi ko akalaing may mas mahirap pa pala sa iniisip ko at naranasan ko sa bawat kembot ko kung saan. 1. Maliban sa maraming sumasakay ay mas madami pang sumakay. 2. Siksikan habang tumutulo ang pawis abot singit. 3. Nakasubsob sa kilikili ng katabi dahil natabunan na ko ng tao. Hindi makagalaw at hindi makapagsayaw ng Gimme Gimme. 4. Iniisip ang kilikili baka sumabog ang amoy sa mga katabi dahil kahit ako sukang-suka sa amoy nito. (Pwede na din siguro para medyo lumuwang kahit 1/4 lang) 5. mahaba ang pila sa ticket booth. Nasa Shaw ako pero ang pila abo Taft Ave. buti sa Guadalupe lang ang pila ko. Kahit na mas malaki ang muscle ng iba at pagsubok ang pagsakay mga tatlong sako, nagpapasalamat pa din