Ang Pag-irap ng Tren

Kailangang ilabas ang muscle para maabot ang inaasam-asam na tagumpay. -Ang pagsakay ng MRT.

Kanina, pauwi ako galing sa konting Boni at medyo Mandaluyong sumakay ako ng MRT. Alam kong kailangan kong maglabas ng muscle para makasakay kahit konti lang pero kanina hindi ko akalaing may mas mahirap pa pala sa iniisip ko at naranasan ko sa bawat kembot ko kung saan.

1. Maliban sa maraming sumasakay ay mas madami pang sumakay.

2. Siksikan habang tumutulo ang pawis abot singit.

3. Nakasubsob sa kilikili ng katabi dahil natabunan na ko ng tao. Hindi makagalaw at hindi makapagsayaw ng Gimme Gimme.

4. Iniisip ang kilikili baka sumabog ang amoy sa mga katabi dahil kahit ako sukang-suka sa amoy nito. (Pwede na din siguro para medyo lumuwang kahit 1/4 lang)

5. mahaba ang pila sa ticket booth. Nasa Shaw ako pero ang pila abo Taft Ave. buti sa Guadalupe lang ang pila ko.

Kahit na mas malaki ang muscle ng iba at pagsubok ang pagsakay  mga tatlong sako, nagpapasalamat pa din ako dahil nakauwi ako ng bahay na kumpleto pa rin ang mga parte ng katawan ko.

Tinong ko yung kaibigan ko kung bakit mas pinipili niyang sumakay ng tren kumpara sa bus o kahit na anong pang-publikong sasakyan dahil mas sanay siya at araw-araw siyang naglalabas ng muscle para makasakay ng tren kahit konti lang.

"Mas mabilis kasi ang biyahe. Kung magbu-bus ako ilang oras bago ako makarating sa trabaho. kahit na siksikan, mahirap ganyan doon ka na sa hindi ka male-late kahit ang panget mo na pagdating sa trabaho."

Naging kaugalian na talaga ng mga Pilipino na mas pinipili ang bagay na mas magaan kahit na kailangang maglabas ng muscle at sumayaw ng cruming makahakbang lang ng isang beses. 

Kung may pag-unlad at makapagtrabaho sa mga busy na lugar mas pipiliin ko ding sumakay kung saan hindi kakain ng mas malaking parte ang orasan. 

Mas magkakaroon ng ngiti ang mga labi kung mas maagang makarating sa pupuntahan kesa sumakay sa nagmumurang mga daan.

Sa bawat sampung nagtatrabaho, walo sa kanila sinusuyod ang kahabaan ng EDSA at ang iba sa kanila ay isang kembot lang nasa trabaho na.

Mas madaming tao, mas siksikan, mas mahirap at mas madaming sasakyan na nagsasanhi ng pagtraffic at pagmumura ng daanan!





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon