Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2013

Para sa Nag-iisang Babae ng Buhay ko

Imahe
Pagmulat ng mata kasabay ang nakangiting araw laging bumubungad ang tinig mo na bumubuo sa unang pagmulat ng mata upang masabayan ang pagngiti ng araw "Gising ka na Anak?" isang tinig na magsisilbing haplos at halik ng pagmamahal. Ang tagal ko ding hinanap ang nakasanayang tinig mo. Pinipillit kong maialis sa isip ko upang hindi na hanapin. Naiintindihan ko kung bakit kailangang kalimutan pansamatala ang nakasanayan. Kailangan mong lumayo upang matustusan ang pangangailangan at mabigyan kami ng magandang kinakabukasan na pinapangarap ng kahit na sino mang mga magulang. Ang dami ng nagbago simula ng umalis ka. Hindi na ako iyakin kagaya ng dati na kailangang amuhin at haplosin upang tumigil sa pag-iyak, pangaralan sa mga bagay na lagpas sa limitasyon at tumakbo o magtago kapag may hawak ka ng kahoy o kawayan. Sabi nga ng iba "Napaka suwerte mo sa mga anak mo. Ang tagal mong nawala pero yung mga anak mo lumaki pa ding mga mabubuti". Minsan, gusto kong