Para sa Nag-iisang Babae ng Buhay ko
Ang tagal ko ding hinanap ang nakasanayang tinig mo. Pinipillit kong maialis sa isip ko upang hindi na hanapin. Naiintindihan ko kung bakit kailangang kalimutan pansamatala ang nakasanayan. Kailangan mong lumayo upang matustusan ang pangangailangan at mabigyan kami ng magandang kinakabukasan na pinapangarap ng kahit na sino mang mga magulang.
Ang dami ng nagbago simula ng umalis ka. Hindi na ako iyakin kagaya ng dati na kailangang amuhin at haplosin upang tumigil sa pag-iyak, pangaralan sa mga bagay na lagpas sa limitasyon at tumakbo o magtago kapag may hawak ka ng kahoy o kawayan.
Sabi nga ng iba "Napaka suwerte mo sa mga anak mo. Ang tagal mong nawala pero yung mga anak mo lumaki pa ding mga mabubuti". Minsan, gusto kong sabihin na kami po ang suwerte dahil nagsilbi siyang TATAY at NANAY sa amin sa ilang taong patitiis at paglayo mabigay lang ang lahat ng pangangailangan namin.
Maraming salamat sa pagiging NANAY at TATAY sa amin sa mga panahong kailangan ng pag-iintindi. Hindi mo na kailangan ng literal ng tropeyo upang sabihin na natatanging nanay ka dahil kami na ang tropeyo mo. Nagsasalita, gumagalaw at patuloy kang mamahalin kasabay ang hanging dumadampi sa araw-araw.
Hindi ka namin iiwan sa kahit na anong pektus ng buhay.Nandito kami at nandyan ka. Magkakasama tayo habang-buhay at magpakailanman.
Nagmamahal,
Don Gerard G. Budoy
P.S : Ang Nanay ay ang ilaw ng tahanan na kung saan ay nagbibigay liwanag upang makadaan sa mga lugar na kailangan nito, nagbibigay liwanag sa isip na puno ng mga katanungan, at nagbibigay liwanag sa mga salitang binibitawan upang ang baluktot ay maituwid at hindi tuluyang maputol. - Ayan ang Nanay ko!
Nagmamahal,
Don Gerard G. Budoy
P.S : Ang Nanay ay ang ilaw ng tahanan na kung saan ay nagbibigay liwanag upang makadaan sa mga lugar na kailangan nito, nagbibigay liwanag sa isip na puno ng mga katanungan, at nagbibigay liwanag sa mga salitang binibitawan upang ang baluktot ay maituwid at hindi tuluyang maputol. - Ayan ang Nanay ko!
Ang liham na ito ay aking inilahok sa Saranggola Blog Awards 5
Sa pakikipagtulungan ng :
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento