Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2016

MMFF 2016

Imahe
Mahirap bitawan lalo na kung nakasanayan dahil hindi magtatagal hahanap-hanapin mo na ito at aasa-asang magiging permanente ang nakasanayan. #Hugot Nabigla ang lahat ng ibalita sa publiko ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2016 sa darating na kapaskuhan. Nagkalat ang tsismis. Maririnig, Makikita, Maaamoy, At mararamdaman, saan man magpunta. Bagong mukha nga ba ito ng MMFF? Maaring bago dahil para sa akin nasanay tayo sa mga pelikulang pinapalabas tuwing pasko na malalaking artista ang nasa big screen At kung saan humalakhak ang marami doon itataya ang 200 pesos nila. Minsan may bakas pa itong 100 pesos para sa tsitsirya habang nasa loob ng sinehan. Noong nakaraang linggo, yinaya ko yung isa kong katrabaho manood ng sine sa pasko dahil nararamdaman ko hindi kami bibiguin ng mga ito. Ayaw daw niya dahil puro indie naman daw ang palabas. Hindi na ako sumagot. Ninamnam ko na lang kung ano ang ang sagot niya sa akin at bigla na lang akong napatanong sa sarili