MMFF 2016
Mahirap bitawan lalo na kung nakasanayan dahil hindi magtatagal hahanap-hanapin mo na ito at aasa-asang magiging permanente ang nakasanayan. #Hugot
Nabigla ang lahat ng ibalita sa publiko ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2016 sa darating na kapaskuhan.
Nagkalat ang tsismis.
Maririnig,
Makikita,
Maaamoy,
At mararamdaman, saan man magpunta.
Bagong mukha nga ba ito ng MMFF?
Maaring bago dahil para sa akin nasanay tayo sa mga pelikulang pinapalabas tuwing pasko na malalaking artista ang nasa big screen
At kung saan humalakhak ang marami doon itataya ang 200 pesos nila. Minsan may bakas pa itong 100 pesos para sa tsitsirya habang nasa loob ng sinehan.
Noong nakaraang linggo, yinaya ko yung isa kong katrabaho manood ng sine sa pasko dahil nararamdaman ko hindi kami bibiguin ng mga ito.
Ayaw daw niya dahil puro indie naman daw ang palabas.
Hindi na ako sumagot.
Ninamnam ko na lang kung ano ang ang sagot niya sa akin at bigla na lang akong napatanong sa sarili BAKIT NGA BA?
Dahil nasanay siya sa mga dating mga pelikulang pinapalabas sa sinehan tuwing pasko? O ayaw niya lang buksan ang isip niya sa mga bagay na alam niyang madami siyang mapupulot na aral?
Lahat naman ng pelikula'y hangad ay mapaligaya ang manonood, busugin ang mata nito at bigyang aral na babaunin hangang pag-uwi ng tahanan.
Pero iba pa rin kung kumpleto ito sa rekado.
Malasa dahil sakto sa timpla, makulay dahil sa iba't-ibang gulay na kasama at malambot ang karne dahil kulong-kulo at lutong-luto para ihain sa iyo. Hindi ka na mahihirapang kagatin o nguyain at wala ng babara sa lalamunan kapag pinilit itong lunukin.
Yung may AHA factor na mararamdaman sa sarili dahil ang tanong sa isipan ay naging tuldok na.
Kung kayang pansinin ng ibang bansa ang ganitong klaseng mga pelikula, bakit hindi natin magawa dito mismo sa sariling bansa?
Ano nga ba ang batayan ng mga bumubuo ng MMFF kung bakit ito ang mga pelikulang napili nila?
Sama-sama nating alamin sa December 25 upang masagot ang tanong na BAKIT NGA BA? at mapalitan ng KAYA PALA.
Bagong mukha.
Bagong timpla.
Bagong pag-asa para sa pelikulang Pilipino!
Suportahan natin ang pelikulang Pilipino!

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento