Fake News ka ba?
Dahil sa modernong panahon, kaakbay ang makabagong teknolohiya, kaya nating gawing tama ang mali at kaya nating gawing mali ang tama. Kumalat ang balita. Kalat-kalat. As in kalat na makikita mo saan mang parte ng Pilipinas. Sa modernong panahon at makabagong teknolohiya, mabilis na ang pagbibigay ng impormasyon gamit ang Social Media Sites katulad ng Facebook at Twitter. Isa ako sa naimpluwensyahan ng makabagong teknolohiya. Araw-araw akong naglalabas ng sama ng loob gamit ang mga ito at nakakabit na sa pang-araw-araw kong gawain ang makisalamuha sa mga taong hindi kayang abutin ng powers ko. Ganito kalakas ang kapangyarihan ng mabilis na komunikasyon. Aabutin kung ano ang hindi kayang abutin at sabihin ang hindi kayang sabihin dahilan upang lumaganap ang mga FAKE NEWS na magdadala sa atin sa maling impormasyon. Maliban sa telebisyon at diyaryo maaari ka na ding makasagap ng balita sa isang pindot mo lang, kaya wala ng dahilan upang maging salat tayo sa im