Fake News ka ba?
Dahil sa modernong panahon, kaakbay ang
makabagong teknolohiya, kaya nating
gawing tama ang mali at kaya nating gawing mali ang tama.
Kumalat ang balita.
Kumalat ang balita.
Kalat-kalat.
As in kalat na makikita mo saan mang parte ng Pilipinas.
Sa modernong panahon at makabagong teknolohiya, mabilis na ang pagbibigay ng impormasyon gamit ang Social Media Sites katulad ng Facebook at Twitter.
Isa ako sa naimpluwensyahan ng makabagong teknolohiya. Araw-araw akong naglalabas ng sama ng loob gamit ang mga ito at
nakakabit na sa pang-araw-araw kong gawain ang makisalamuha sa mga taong hindi kayang abutin ng powers ko.
Ganito kalakas ang kapangyarihan ng mabilis na
komunikasyon. Aabutin kung ano ang hindi kayang abutin at sabihin ang hindi
kayang sabihin dahilan upang lumaganap ang mga FAKE NEWS na magdadala sa atin sa maling impormasyon.
Maliban sa telebisyon at diyaryo maaari ka na ding makasagap ng balita sa isang pindot mo lang, kaya wala ng dahilan upang maging salat tayo sa impormasyon.
Ganon pa man laging tatandaan na "Think Before you Click" dahil hindi lamang damit, pagkain at pera ang kayang mapeke, pati na rin ang mga news o balita sa modernong panahon at makabagong teknolohiya gamit ang mga social media sites.
Paano nga ba maiiwasan ang mga FAKE NEWS?
1. Title o Pamagat
Sa pamagat pa lang ng balita ay maaring mapansin kung ito ay peke o hindi dahil ang lehitimong tagalapagbalita online ay hindi gumagamit ng maraming exclamation point, question mark o tuldok. Maliban dito, maaari rin itong mapansin sa kahulugan ng pamagat ng balita o article dahil karamihan sa kanila ay gumagamit ng mga mabulaklak na mga salita upang mapukaw ang mata ng mga mambabasa.

2. Website o URL
Tingnan ang website na ginamit kung isa ito sa lehitimong Organisayon o News Group.
Dahil sa panahong ito, maaaring ginawa lang ito upang makapagbigay ng maling impormasyon o katuwaan dahil may gustong siraing imahe.

3. May-akda o Author
Sa may-akda o author ay maaari din malaman kung peke o hindi ang isang balita.
Kung wala itong pangalan ng may-akda ay nararapat na huwag muna itong pagkatiwalaan dahil karamihan sa mga tagapagbalita online ay pinapaloob ang kanilang mga pangalan sa ilalim ng akda. Kung may pangalan man, suriing mabuti kung ito ay lehitimong tagapagbalita online o may pinanghahawakang pangalan.
4. Date o Petsa
Suriing mabuti ang date o petsa ng bawat pangyayari sa isang balita o article dahil maaaring nakaraan na ito ngunit binubuhay ng ilan upang magpag-usapan at makapagbigay ng maling impormasyon.
5. Grammar o Gramatika
Kung may mapansin na kamalian sa isang balita o article, dapat na tayong maalarma dahil ang mga lehitimong tagapagbalita online ay may sapat na kaalaman sa gramatika.
6. Kumento o Comment
Basahin ang mga Kumento ng mga mambabasa.
Sa kumento nito ay maaring makapagbigay ng sagot kung peke o hindi ang isang balita o article dahil mas marami pa rin ang may malinis na intensyon upang putulin ang maling impormasyon.

7. Litrato o Picture
Suriin ang litratong ginamit.
Maraming mga eksperto sa pag-edit ng litrato o picture sa makabagong teknolohiya.
Kaya nilang lagyan ng pampalasa kung matabang ang timpla at bigyang kulay ang bawat litratong maputla sa iba.

8. Body o Katawan ng Balita.
Basahin ang nilalaman ng balita at ang konkretong pinaghugutan ng impormasyong ibinahagi.
Sa nilalaman pa lamang nito ay maaaring makita kung may basehan o gawa-gawa lang ang balita dahil hindi mo malalaman kung hindi mo makikita, hindi mo malalasahan kung hindi mo titikman at lalong hindi mo mararamdaman kung hindi mo lalapitan.
Kung alam ng mali, mas mabuting hayaan na lamang ito at huwag ng pansinin upang hindi na kumalat at maipasa sa iba.
Kaya bilang isang responsableng mambabasa, MAGTANONG upang ang katanungan ay matuldukan, MAG-USISA upang maliwanagan sa dapat paniwalaan at maging MAPANURI sa mga balita o article saan mang social media sites gamit ang makabagong teknolohiya o internet dahil sa simpleng share o like ay maaari din tayong makapagbigay ng maling impormasyon at makasakit ng kapwa kung patuloy natin itong tatangkilikin.
At ang blog na ito ay makakatulong upang maunawaan o kilalanin ang isang news o arcticle online kung fake news nga ba ito o hindi. Huwag nating sayangin ang kalayaan natin ipahayag ang nararamdaman at gamitin natin ang mga social media sites at internet sa mabuting pamamaraan dahil iba ang nagagawa ng mabilis na komunikasyon para sa mabilis na aksyon.

Dahil AKO, IKAW at TAYO mismo ang mag sisimula upang putulin ang paglaganap ng FAKE NEWS sa bansa.
Ang blog na ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards 9
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento