Saan ka ba Natatakot?
Matatapos ang isang pangungusap sa TULDOK . Hindi sa KUWIT . Hindi sa TANDANG PANONG . Hindi sa TANDANG PADAMDAM . Matatapos ang lahat sa TULDOK . Sanay kaming sabay-sabay kumakain ng tanghalian o hapunan. Ito rin ang nagiging instrumento sa amin para makapag-usap, magkamustahan, magtawanan at magbigay ng kanya-kanyang saloobin. "Bawas-bawasan mo na ýang pagyoyosi mo!" Sabi ng Nanay ko sa akin. Mag-iisang dekada na yata akong naninigarilyo. Matagal na. Hindi ko na matandaan. Masama, Oo. May kamahalan, Oo. Hihina ang baga, Oo. Walang magandang maidudulot, Oo. Sa madaling salita, kapag naninigarilyo ka, maaga kang mawawala. Pero bakit nga ba ako naninigarilyo? Hindi ko rin alam. Basta, ito lang ang kapiling ko kapag malungkot, masaya o naiinip. Alam niya ang lahat sa akin at alam ko rin ang lahat sa kanya. Tayo na lang kaya? Baka saýo may Forever. Haha! "Mamatay ka kung mamatay ka" Balik ko. Binilinan ko na rin siya na may makukuha siya sa trabaho kung sakaling mawala