Saan ka ba Natatakot?

Matatapos ang isang pangungusap sa TULDOK.

Hindi sa KUWIT.

Hindi sa TANDANG PANONG.

Hindi sa TANDANG PADAMDAM.

Matatapos ang lahat sa TULDOK.

Sanay kaming sabay-sabay kumakain ng tanghalian o hapunan.
Ito rin ang nagiging instrumento sa amin para makapag-usap, magkamustahan, magtawanan at magbigay ng kanya-kanyang saloobin.

"Bawas-bawasan mo na ýang pagyoyosi mo!" Sabi ng Nanay ko sa akin. Mag-iisang dekada na yata akong naninigarilyo. Matagal na. Hindi ko na matandaan.

Masama, Oo.

May kamahalan, Oo.

Hihina ang baga, Oo.

Walang magandang maidudulot, Oo.

Sa madaling salita, kapag naninigarilyo ka, maaga kang mawawala.

Pero bakit nga ba ako naninigarilyo?
Hindi ko rin alam. Basta, ito lang ang kapiling ko kapag malungkot, masaya o naiinip. Alam niya ang lahat sa akin at alam ko rin ang lahat sa kanya. Tayo na lang kaya? Baka saýo may Forever. Haha!

"Mamatay ka kung mamatay ka" Balik ko. Binilinan ko na rin siya na may makukuha siya sa trabaho kung sakaling mawala ako. Lakarin niya rin ang SSS at PAG-IBIG benefits ko dahil sayang din ang makukuha doon. Nagtawanan kaming lahat maliban sa Nanay ko.
Tumahimik. Nakatingin lang sa TV. Umiiyak.

Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak dahil nagbibiruan lang naman kami. "Hindi niyo alam kung gaano kasakit sa isang magulang ang mawalan ng anak." Seryosong sabi. Huminto ako. Hindi ko alam kung anong hugot o saang teleserye niya nakuha ang linyang ýon.
Tumingin ako sa kanya at biniro "Basta kapag nawala ako, Ma. Hindi mo na maiisip na wala na ko kasi marami ka ng pera non."

Biglang sumagi sa isip ko, handa na nga ba akong mawala?

Kaya ko bang iwanan ang Nanay ko?

Kung mawawala ako, paano na siya?

Lagi kong sinasabi, mamatay ka kung mamatay ka. Hinahanda ko palagi ang bawat posibilidad na magyayari. Pero bakit sa puntong pinag-uusapan namin ito, natatakot ako?

Natatakot akong mawala.

Natatakot akong makita ang Nanay ko na umiiyak ng ako ang dahilan.

Natatakot ako.

Natatakot.

Takot.

Tuldok.

Nawala ang Tatay ko ng biglaan dalawang taon na ang nakakaraan. Pumunta lang ng Hospital dahil may scheduled check-up. Hindi na nakauwi. Nang makauuwi, ABO na lang.

Mula noon, sabi ko sa sarili ko, kailangan nating sulitin ang bawat segundong kasama ang Pamilya, gawin ang gustong gawin, magmahal ng magmahal, magbigay at tumanggap.
Dumating man ang puntong kinakatakutan mo, hindi ka mawawala ng malungkot dahil namuhay kang may pagmamahal at namuhay kang may dahilan. 

Matatapos ang isang pangungusap sa TULDOK.

Hindi sa KUWIT.

Hindi sa TANDANG PANONG.

Hindi sa TANDANG PADAMDAM.

Matatapos ang lahat sa TULDOK.

Ikaw, saan ka ba NATATAKOT?







Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon