AMALAYER Bitch

Nasaniban ako ni Miriam Defensor Santiago. Tinatakot kita! Matakot ka! Matakot ka!  WAAAAAh!

May trending balita. Sa twitter, facebook, blogs at telebisyon. Isang babaeng may malaking muscle na kayang lagyan ng gripo sa tagiliran lahat ng taong madadaanan. Kaya nya din magfliptop habang nakabending. Siya ay si AMALAYER.

Hindi ko alam kung bakit siya trending sa lahat ng social site. Dahil masyado akong nacurious kung bakit, nagtanong-tanong ako at nagsearch kung sino ba talaga sya. Pinanood ko ang video. Napangiti ako at hiyaw na parang si Mega sa palatastas ng isang produkto.

Pinanood ko na nga......

Kahit anong sabihin natin mali lahat ng kanto ng pangyayari. Mali dahil matanda ang kausap kailangan ng paggalang at respeto, mali dahil pwedeng kausapin ng mahinahon ang kausap. Sakanya na nanggaling na may pinag-aralan sya, mali dahil kung sumusunod tayo sa panuntunan ng isang bagay hindi mangyayari ang mga ganyang bagay, at mali dahil kahit na anong sabihin ng isang tao kung tunay kang may pinag-aralan at may malawak na pag-iisip hindi mosasagutin ang nakakatanda dahil ginagawa lang niya ang trabahong naatasan sa kanya.

Sa isang interview sinabi pa ni AMALAYER na hindi makalabas ng bahay at hindi makapasok ng eskwelahan dahil natatakot. Ginawa mo ang isang bagay kailangan mong panindigan at ginawa mo yan kailangan mong salohin lahat ng bato na binibigay sayo.

paggalang at respeto ang kailangan. Hindi ito ginagawa, kusang nakikita ito at konti-konting pinag-aaral para magamit sa sarili.

I'M AMALAYER FAN!











Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SIRENA ni Gloc-9

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

Fake News ka ba?