Baha ng Luha Dahil sa Maling Pagtapon ng Basura


Inanyayahan ako ng kaibigan ko na magsulat daw ng mga kwento o istorya sa wattpad. Ginawa ko naman. Gumawa nga ako pero hindi ito perpekto ngunit pinaghirapan ko. Tumatanggap ako ng kritisimo. Hehe! Pag-binasa mo ito ay suswertihin ka sa Pag-ibig. 
http://www.wattpad.com/user/dongerardbudoy.

Ito na siya.

1

2

3

Sampung Iba't-ibang Kwento na Gigising sa Namatay Mong Ugat. (Unang Kwento)

Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito……
                Sa bawat nakakasakay sa MRT o LRT, sumasakay sa pampublikong Jeep, pampasaherong tricycle at bumibili ng tuhog-tuhog dyan sa kanto. Malay mo isa sa kanila ang magpapatibok ng puso mo.
                Isang araw. (hindi pala isang araw. Sadsad na yon)
                Dalawang araw. Gumising si Flor na may ngiti sa labi.  Iba ang nararamdaman niya sa araw na yon. Parang kasundo niya ang iba’t-ibang lamang lupa at amoy lupa sa mga oras na yon.
                Si Flor.
                Oo. Si Flor.
                Si Flor na virgin kahit na malapit na siya sa tinakdang panahon para sumayaw ng  ballroom  tuwing fiesta ng Bayan.
                Maganda naman si Flor. Hindi pa nga lang uso ang ganoong itsura sa panahon niya. Kapag tinanong mo siya sa Bayan nila ang laging sinasagot ay “Ah, si Flor yung mabait na walang balak mag-asawa. Mas mukha pang matanda sa Nanay niya.” Seryoso pa ang mga tinatanungan. Wala man lang bahid ng JOKE ang mga mukha. Ikaw kaya bumuhay ng magulang at walong mga kapatid kung hindi ka magmukhang mabait, mukhang matanda at hindi na binigyan ng pagkakataon umibig.
                Tumayo siya sa hinihigaan with high fashion na mukha. “Anak, kumain ka na ng almusal baka malate ka sa trabaho mo.” Sigaw ng Nanay niya habang kumakanta ng Poker Face na may halong Waka-Waka.
                Bumaba na nga siya.
                Bumungad sa kanya ang lima niyang kapatid.
                Kaptid 1: Ate, baon ko?
                Kaptid 2: Ate, baon ko? May babayaran pala kami sa school.
                Kaptid 3:  Ate, may tour kami sa Ilocos. Tatlong araw kami don. Penge naman         pambayad tsaka Baon na din.
                Kaptid 4: Ate,  wag mo na kong bigyan ng pambaon may natira pa naman sa binigay mo. Bilan Mo na lang ako ng laptop. Kailangan ko na kasi para sa report, thesis, assignment at Face book. Makikisagap ako ng wi-fi sa school.
Kaptid 5: Pengeng pambili ng yosi 20php lang.
“Sana naman pinababa niyo muna ako ng hagdan. Oh, baon mo. Oh, baon mo tapos pambayad mo. Pambayad mo sa tour. Ikaw naman, hindi ka nga nanghingi ng baon ang mahal naman ng kapalit. Sige bukas ibibili kita. At ikaw naman. Sang ina! Ina! Eh! Eh! Pati pang yosi mo sa akin mo pa hinihingi. Dati, sampu lang hinihingi mo ngayon bente na! Ito oh!”
                “Oh, anak kumain ka na” Pagputol ng Nanay niya sa usapan ng magkakapatid.
                Gaya ng dati, nakasuot ng palda, tube at jacket. “ Nay. Pasok na po ako” Sigaw ni Flor. “Sige anak ingat ka” mas malakas na sigaw ng Nanay niya. (Isipin niyo. Mukhang matanda na naka-palda at tube?)
                Paglabas niya ng bahay ay bumungad sa kanya ang nakangiting araw. Nakangiti with close up smile. Kasundo nga niya talaga ang araw dahil hindi siya gumamit ng muscle para makasakay ng MRT.
                Paghinto ng MRT……..
                Dimaano Station! Dimaano Station!
                Dumami ang mga sumasakay. Siksikan, nagtutulakan at palakihan ng muscle.
                May isang lalaking na-out of balance na may pangangatawan sa harap ni Flor. Napatingin sa lalaki si Flor. Napatingin din ang lalaki sa kanya.  Iniwas ni Flor ang tingin niya. Nagtinginan ulit sila habang may tumutugtog na Don’t Touch my Birdie habang may bumabagsak na pulang rosas na hindi man lang tinanggal ang tinik.
                Huminto ang sinasakyang Tren at naputol ang tinginan ng dalawa.
                Conchita De Lapaz Saturnina Trinidad Station!
                Conchita De Lapaz Saturnina Trinidad Station!
                Oras na para bumaba ang dalawang makiring nagkatinginan. Naghiwalay sila ng direksyon sa paglalakad. Kinalimutan ni Flor ang nangyari at sinimulan ang araw niya kagaya ng dati.
                Gabi na ng nakauwi si Flor galing sa trabaho. Biglang umulan sa mga oras na yon. Wala siyang nagawa kundi sumilong sa waiting shed na may nakalagay na JESSICA SANCHEZ – I WILL ALWAYS LOVE YOU! SERBISYONG TOTOO!
                Napatingin siya sa lalaking mabilis na tumatakbo papunta sa kanyang tinatayuan. Napatingin din ang lalaki. Iniwas ni Flor ang tingin niya. Nagkatinginan ulit sila habang may tumutugtog na  Don’t Touch my Birdie habang may bumabagsak na pulang rosas na hindi man lang tinanggal ang tinik. “Biglang buhos ang ulan” Nakangiting pagkasabi ng lalaki. Tiningnan lamang siya ni Flor. (Ang ganda mo. Feel na feel ang long hair mo) “Alam mo nakita na kita eh.” Pahabol ng lalaki habang nagpapacute. “Ah, sa MRT nakasabay kita. Nagkatitigan pa tayo” Pacute ulit ng lalaki na may kasamang close up smile. “Oo, natatandaan ko.” Nahihiyan pagsagot ni Flor. (Maganda nga matanda nga lang).
                “I’m Alex. Ikaw”
                “Flor pangalan ko. Flor De Lunablanca pangalan ko” Palitan nila ng pangalan.
                “San ka umuuwi Flor?”
                “Sa Fairview ako”
                “Pwede pala tayong magsabay pauwi. Sa Kamuning lang ako” Nakangiting pagkasabi ni Alex.
                (Mahilig siyang maglabas ng ngipin.)
                Naputol ang kanilang kwentuhan sa ngitian at pagpapacute. May tumugtog ulit na Don’t Touch my Birdie habang may bumabagsak na pulang rosas na hindi man lang tinanggal ang tinik.
                Sabay silang naglakad at sumakay ng Bus.
                Habang sinusuyod nila ang kahabaan ng EDSA at tinitignan ang mga billboards na iyak ng iyak. Nagpalitan sila ng uto-uto lines at cheesy na mga banat.
                “puno ka ba?” Tanong ni Alex.
                “Bakit?” Sagot naman ni Flor.
                “Maugat ka eh!” Balik ni Alex.
                Kinilig naman si Flor sa banat nito.
                “Bola ka ba?” Tanong naman ni Flor.
                “Bakit?” Sagot ni Alex.
                “Kasi…..(Kinikilig) Kasi ang sarap mong ihagis, pagulungin at idribble-dribble” Balik ni Flor.
                Kilig na kilig silang dalawa sa banat nila.
                (Nagpalitan ng numero) “Sige, text-text na lang. Dito na ko.” Hindi na siya nagpacute o ngumiti dahil hindi nila namalayan na lumagpas na ito sa Kamuning. Dumoble pa tuloy ang pamasahe niya dahil sa kalandian.

                Nagpatuloy ang paglabas-labas nila at ganito ang eksena:
                Nagdate sila sa lugar na sila lamang dalawa at tahimik. Walang makakaistorbo kundi ang mga bagay na walang pakeelam sa pagtaas ng sigarilyo at gasolina. May mga design pang RIP Aiza Divine Tiburcio 1956-2010.
                Alex: Kelan mo ba ko sasagotin?
                Flor: Sinasagot naman kita.
                Alex: Hindi yan. Kelan magiging tayo?
                Flor: Tayo lang naman nandito.
                Alex: Ang tanda-tanda mo na tanga ka pa! Kelan mo ibibigay ang matamis mong OO!
                Flor: May mapakla ba o maalat na OO?                                                                  
                Alex: Anak ng tatlong kalabaw!
                Flor:  Oo na! Sinasagot na kita! Tayo na!
                Alex: Totoo ba yan?
                Flor: Hindi. Joke lang. Gusto mo bawiin ko?
                Alex: Yehey! Kami na! Kami na daw! Naririnig niyo ba ako?
                Flor: ( Binatukan si Alex) Di ba? Tayo lang nandito?
                Alex: Yehey! Kami na! Wlang nakakrinig sa akin!!

                Matagal ng iniisip ni Alex na sorpresahin si Flor.  Isang romantikong dinner date. Kaya sinorpresa niya ito. Sinundo ni Alex si Flor sa trabaho nito suot ang pormal na kurbata at may dalang boquet na rosas na walang tinik. May dala din siyang pamalit ni Flor na babagay sa pupuntahan nila. Alam niya kasi na jologs pumorma si Flor. Pinagtitinginan siya ng mga tao dahil nakaabang ito sa labas ng building kung saan nagtatrabaho si Flor. Dala ang bulaklak.
                Paglabas ni Flor ay gulat na gulat ito……
                “Ano to? Anong ginagawa mo dito? “
                “Susorprisahin talaga kita. May pupuntahan tayo. Sa isang lugar na romantiko . Hindi mo makakalimutan at matatabi mo hanggang sa huling hininga,”
                Mangiyak-ngiyak si Flor sa sorpresa ni Alex sa kanya. Nagtitinginan sa kanila ang mga tao. “Bakit kaya pinatulan yan ng lalaki? Nagayuma yata yan.” Usapan ng mga saocially concerned citizen sa mga oras na yon. May mga kinikilig at may walang pakeelam kung anong nangyayari sa paligid nila.
                Paglabas ni Flor ay mas lalong kumabog ang dibdib ni Alex. Hindi niya mapaliwanag kung anong nararamdaman niya. Bigla na lang tumulo ang luha niya. “Bagay na bagay sayo yang suot mo” Nanginginig na pagkasabi ni Alex kay Flor.
                Pagdating nila sa kanilang pupuntahan ay tinakpan nito ang mata ni Flor. “Matagal ko na dapat to ginawa. Wala lang akong panahon at hindi pa sapat ang sarili ko para patunayan ko na karapat-dapat ako sayo.” Sambit ni Alex habang naglalakad sila papuntang table na nakareserba para sa kanila.
                Pagtanggal ng kamay ni Alex ay napaluha si Flor. Luha ng saya. Hindi niya akalain na ganoon na lang kaganda ang surpresa ni Alex sa kanya. May mga bulaklak at kandila sa bwat dinaraanan nila habang may sweet na tutog galing sa violin. Tuloy-tuloy ang luha na pumapatak sa mata ni Flor. Pinaupo na siya ni Alex at umupo na din ito. “Nagustuhan mo ba ito? Hindi na tayo sa tahimik na tayo lang ang nandoon.” Hindi nakapagsalita si Flor. Tuloy-tuloy na bumabagsak ang luha niya galing sa kanyang mata. Yinaya ni Alex sumayaw si Flor. Tumayo ito at hiningi ang kamay ni Flor.
                Habang sumasayaw sila ay kinakausap ni Alex si Flor. “Alam mo sobrang saya ko. Dahil kasama kita sa ganitong lugar.”  Hindi pa rin nagsasalita si Flor. Kukunin na dapat ni Alex ang singsing na dala nito ng biglang… BOOOOG! “Flor?! Anong nangyari sayo?! Tulungan niyo ko! Tulong.” Sigaw ni Alex habang tumutulo ang luha. Magkahalo saya at takot ang tumutulo dito.
                Dinala siya sa Hosapital.
                Diretso sa Emergency Room.
                Lumabas ang Doctor galing sa kwarto kung nasaan si Flor.
                “Doc, anong nangyari?”
                “Kamag-anak ka ba ng pasyente?”
                “Hindi po Doc. Boyfriend niya po ako”
                “Laging nagpapacheck-up sa akin si Flor”
                “Bakit po? Ano po bang nangyari sa kanya?”
                “Wala bang nababanggit sayo si Flor o nakukwento man lang?”
                “Wala po! Ano po bang nangyayari?!”
                Biglang dumating ang Nanay ni Flor kaya naputol ang usapan nila. Tumutulo ang luha ng Nanay ni Flor. “Ano pong nangyari sa Anak ko Doc.?” Salita ng Nanay habang tumutulo ang luha. “Mas mabuti kung doon tayo mag-usap sa loob”
                Paglabas ng Nanay ni Flor ay wala pa din tigil ang pag-iyak nito. Mas lalong bimilis ang patak ng luha niya.
                Papunta siya sa kinauupuan ni Alex.
                “Ano pong sabi ng Doctor?”
“Matagal na daw palang may sakit si Flor. Ayaw niyang pasabi. Lagi niya dahilan. Gastos lang yan. Mamatay din naman daw siya kaya hindi na siya nagpagamot. “ Umiiyak na pagkasabi ng Nanay ni Flor. Tuloy-tuloy pa din ang pag-iyak nito.
Tumulo na din ang luha ni Alex. Hindi ito mapakali sa kinalalagyan. Tatayo. Uupo. Maglalakad-lakad. Wala ng marinig sa kanilang dalaw kundi hagulgol ng iyak.
Isang lingo lang sa Hospital si Flor at nagpauwi na ito. Nasa tabi pa din niya si Alex. Hindi siya iniiwanan nito.
Flor: Mas lalo kang mahihirapan sa ginagawa mo.
Alex: Mas lalo akong mahihirapan kung nakikita kitang ganyan na wala ako.
Flor: Iwanan mo na ko. Ipagpatuloy mo buhay mo. Wag mong ituon buong araw mo sa pag-
Aalaga sa akin. Para handa ka na kung sakaling hindi ko na kayanin to.
(Inilabas ni Alex ang singsing na dapat ay ibibigay na sa kanya noong sinorpresa niya ito.)
Alex: (kinuha ang kamay ni Flor) Bago man lang mangyari ang iniisip mo. Pakasalan mo muna
Ako. Pakakasalan mo ba ko?
Tumulo ang luha ni Flor. Umagos sa kinalulugaran nila. Tumulo na din ang luha ni Alex. Nagyakapan sila hanggang mapawi ang luhang bumabagsak sa kanila.
Inayos nila ang kasal nila. Lahat ng pangarap nila sa kasal nila ay tinupad ni Alex. Sa beach ito ginawa. May mga puting rosas ang nakakalat sa kanilang lalakaran ngunit mahina si Flor. Hindi na niya kayang maglakad ng matagal kaya’t naka wheel chair ito. Lahat ng bisita ay tumutulo ang luha ang mga mata.
“Flor, una pa lang kitang Makita sinabi ko na sa sarili ko na kailangan makilala kita. Ewan ko ba. Nagayuma mo yata ako. Lahat ng pangarap natin onti-onti na nating natutupad. Wag kang bibitaw ah! Totoo nga ang sinasabi nila. Kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Kahit na anong mangyari nandito pa din ako sa tabi mo. Hindi ako mawawala. Mahal na mahal kita.”  Lumuluhang pagbigkas ni Alex.
“Alex, hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganitong karanasan. Ang umibig sa taong mahal mo at lahat ng pangarap niyo ay onti-onti ng natutupad. Hindi kita ginayuma sadyang mganda lang ako at nahumaling ka. (nagtawanan ang mga tao.) Hindi ko sinabi sainyo itong sakit ko kasi ayokong kaawaan niyo ko. Gastos lang din. Wala din naman tayong magagawa mamatay din. Tanggap ko na din naman. Salamat sayo dahil pinaranas mo sakin ang mga ganitong bagay. Ang ikasal sa pinapangarap mong kasal at ikasal sa taong mahal mo. Mahal na mahal kita. “ Tumutulo din ang luha ni Flor habang nagsasalita. Lahat ng tao ay nadala sa kanilang dalawa. Lahat ng bisita ay nakikisabay sa agos at tumutulo din ang mga luha nila sa sobrang touch sa kanila.
Pagkatapos ng kasal ay nakahiga silang nag-uusap. “Ilang anak ba ang gusto mo?” Tanong ni Alex “Magkakaanak pa ba ko?” Sagot ni Flor. Halos buong araw lang silang magkatabi at nag-uusap.
“Alex, matutulog na ko. Mahal na mahal kita. Salamat sa mga ngiting naibigay mo.” Malumanay na salita ni Flor. Pumikit na nga ito at natulog. Nakatitig lamang sa kanya si Alex. Napansin nito na hindi na humihinga si Flor. Tumulo na ang luha ni Alex. Luha na may lungkot at saya. Saya dahil hanggang sa huling pagkakataon ay magkasama sila. Nagawa nila ang mga bagay na pinapangarap nilang mangyari sa buhay nila. Lungkot dahil wala na ang pinakamamahal niya. Wala na siyang kasama na ngumiti at tumawa.
Sa bawat nakakasakay sa MRT o LRT, sumasakay sa pampublikong Jeep, pampasaherong tricycle at bumibili ng tuhog-tuhog dyan sa kanto. Malay mo isa sa kanila ang magpapatibok ng puso mo.
Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito………
 (Sampung Iba't-ibang kwento na Gigising sa Namatay mong Ugat)  Unang Kwento.




               
               



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Fake News ka ba?