Balita na may Halong Chismax

Ang bawat salita ay makapangyarihan dahil sa modernong panahon kaya ka nitong dalhin sa mundo ng reyalidad.

Isang linggo na ang nakakalipas noong nagkalat ang bawat kumento ng mga Pilipino ukol sa kontrobersyal na interview ni Manny Pacquiao. 





BIBLIYA vs PAGKAMOT ni BUDOY

Nakasaad sa bibliya kung ano ang opinyon , kumento o paniniwala ni Manny.
Bawat isa ay may kanya-kanyang paniniwala.
Pinaniniwalaan dahil iyon ang pinaninidigan.
Bilang isang relihiyosong  kristiyano si Manny, ito ang opinyon niya dahil ito ang alam niyang tama.

Para sa akin, tama ngunit ang ang piniling salitang binitawan ay mali.
Mali dahil sa modernong panahon ang salita ay kaakbay na ng damdamin.
Bilang isang kristiyano, kung ikaw ay may respeto sa pinaniniwalaan mo dapat hindi rin mawawala ang respeto sa kapwa at paniniwala ng iba, dahil may iba't-iba tayong paniniwala at pinaninidigan.



SAME SEX MARRIAGE vs PAGKAMOT ni BUDOY

Lahat ay pinapangarap maglakad sa altar kasabay ang taong mahal nila.
Sabay kayong manunumpa ng pagmamahalan.
Sabay kayong maluluha sa saya dahil simula na ng panibagong buhay na magkasama kayo.

Para sa akin,  ang pag-ibig ay walang pinipiling kasarian at edad. Lahat tayo ay may karapatang magmahal  babae, lalake, bakla o tomboy man pwedeng tumibok ang puso at magising ang namatay nilang ugat.

Kung ikaw ay nananirahan sa bansa na malaki ang porsyento ng mga kristiyano at laging kumakaway ang simbahan sa bawat desisyon ng modernong panahon, paniguradong marami ang tutol dito dahil naniniwala silang sagrado ang kasal.

Kahit ako ay hindi ako sang-ayon sa same sex marriage dahil naniniwala akong sagrado ang kasal.
Lahat naman ng bagay ay dumadaan sa proseso.
Hindi rin natin masasabi sa modernong panahon ngayon kung anong mangyayari bukas dahil mabilis magpalit ng mukha ang isang bagay depende sa nakikita, naririnig, naaamoy at nararamdaman.



MANNY PACQUIAO vs PAGKAMOT ni BUDOY

Kagaya ng lagi kong sinasabi,  kung ikaw ay may respeto sa pinaniniwalaan mo dapat hindi rin mawawala ang respeto sa kapwa at paniniwala ng iba, dahil may iba't-iba tayong paniniwala at pinaninidigan.




Lahat ay may karapatang magbigay ng kumento at opinyon, kina-kailangan lamang isipin bago sabihin dahil ang bawat salita ay makapangyarihan dahil sa modernong panahon kaya ka nitong dalhin sa mundo ng reyalidad.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SIRENA ni Gloc-9

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

Fake News ka ba?