Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2012

PaComment Isa Lang

Makapangyarihan ang salita, ingatan ang bawat binibitawan, isipin bago sabihin at patunayan na ikaw ay karapat-dapat na galangin na hindi nagpapakita ng kahit ano mang bagay na makakaepekto sa sa taong mambabasa at sa taong nakapaligid sayo. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang nais kong iparating dahil alam ko na kahit na anong gawin ko walang mangyayari kundi ilabas ang aking mga opinyon ukol  sa trending at kontrobersyal na buhay ng mga Pilipino. May nakita akong mensahe na pumukaw sa aking mata, puso at isip. Binasa ko. Binasa kong mabuti. Tiningnan kung sino-sino ang mga ito. Isang 40 years old? na tao walang kasarian. At mga galamay na mga 27, 28, 29,30 years old? walang mga kasarian. At isang bidang nagpapaapi  dahil mahilig magpaawa para apihin at bandang huli babangon naman at dudurugin ang mga taong mapang -api. Sya ay 17 years old. Wala din kasarian. Bagamat ang nang-aapi ay nasa hustong gulang na. Wala pa din syang pakundangan na sumagaot at mang-api na hindi ay

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon

Imahe
Si Rodolfo V. Quizon o mas kilala bilang Dolphy Quizon ay isang sikat na artista sa larangan ng komedya sa Plipinas. Sya din ay tinaguriang "hari ng komedya" dahil sa kanyang kahusayan sa pagganap sa kanyang mga proyekto. Una nyang naging proyekto ay Sa Isang Sulyap Mo, sabi sa akin ng mga tambay dyan sa kanto dahil hindi ko naman yon naabutan. Sabi din ng kapit-bahay namin produksyon daw yon ng sampaguita picture. July 10, 2012, masamang balita ang kumalat agad sa internet at telebisyon. Hindi na kinaya ng kanyang katawan ang mga sakit na dinadala nya. Sa una hindi ako naniniwala sa mga balitang kumakalat na ganyan. Pagbukas ko ng tv puro sya ang balita at laman nito. Nagulat ako konti dahil ang alam ko ay bumubuti na sya sabi sa mga balita. Sabi sa balita daw. Sabi ng mga socially concerned citizen madalas daw pabalik-balik sa hospital ang hari ng komedya dahil sa pabalik-balik nyang Pneumonia na naging Pneumonia Chornic Obstructive Disease na nauwi sa Multiple Organ Fa

Bibig ka ba?

Pagbinato ka nang bato, batohin mo nang tinapay. Pagbinato ka nang truck, batohin mo nang tinapay. Pagbinato ka nang alak, salohin mo. Sayang! Ang salita ay napaka-makapangyarihan sa lahat, ang may gawa ng langit at lupa :D, nakakapagbigay na negatibo at positibong paniniwala at pananaw, nakakapagbigay ng diskriminasyon na hindi sinasadya ngunit nasasabi dahil walang kontrol sa kanyang pananalita. Kagaya ni Tita Anabil na kapitbahay nila Lolet at Kriste, na nanay nila RikardoReymundo at Rupah na sikat na sikat sa twitter dahil sakanyang maaanghang na salita. Ang twitter ay isang instrumento na ginagamit upang makipag-usap sa iba't-ibang panig ng mundo. Pwede din gamitin sa pagpapacute, pagbibigay impormasyon o balitaat pagbabahagi ng ginagawa ngayon, bukas at kahapon. Bago ko gawin itong ka-epalan kong ito ng hiram ako nang panulat sa isang batang busing-busy sa panonood ng tv habang kumakain ng kalamsi lemon square cheese cake. May ballpen ka ba? Wala eh. Di ba? n

Tumingala, Humakbang at Tumingin sa Likod

MABUHAY ANG MGA PILIPINO! MABUHAY! WALANG KAMA-KAMAG-ANAK! WALANG KAI-KAIBIGAN! AK0 ANG BOSS NYO! Ito ang mga salitang binitiwan ng mga muscleman na tao na tumatak sa puso at isip ng mga Pilipino. Sino ang nagsabi nito? magtanong ka lang sa mga tambay dyan sa kanto, nagbebenta ng laman sa gabi, adik, at mga naglalako ng mga double dead na baboy, sigurado masasagot nila yan ng walang kurap at poot sa damdamin. pagtag-init, madaming nagtitinda ng pampalamig tulad ng ice cream, ice candy, ice at kung ano-ano pang ice. pagtaglamig, samu't saring mga pampainit ang nagsusulputan sa atin lalong lalo na sa gabi na matatagpuan sa iba't-ibang panig ng kanto ng lugar nyo. Parang kampanya ng mga muscleman, nagtitinda sila ng ibat-ibang panulat. mahilig silang manukli kahit sakto lang ang pera mo, minsan naman hindi ka pa nagbabayad susuklian ka na nila. Aakalain mong pasko sa SOBRANG dami ng aguinaldo. Mahilig ang mga muscleman na magpabango kahit hindi naliligo, mahilig s

Miampluwensya, politiko at boksingero (Manny Paquiao)

talo na si Manny, Manny, Manny tinalo ni Bradley, Bradley, Bradley Umiyak tuloy si Jinkee..... Nahimatay pa si Mommy..... *Let sing Pricetag Natalo o nanalo? laging may komento ukol dito. May nagsasabing dinaya sa puntos at may sang-ayon sa desisyon ng mga hurado. Hindi inaasahan ng mga Pilipinong suportado ng pambansang kamao ang pagkatalo nito dahil dito nagkaroon ng mga haka-haka o mga opinyon na kumakalat ngayon sa labas ng ating mga bahay. Sabi ng isang kaibigan. Taktika nila yon para humaba yung laban magkakaron ng rematch para mas madaming pera.   Sabi ng kapitbahay namin. matanda na si si Paquiao, bumagal at humina na sya sumuntok.   Sabi sa balita. Kitang-kita naman na mas madaming suntok si Paquiao kesa kay Pareng Bradley. Para sa karagdagang opinyon ng mga sikat na personalidad at mga socially concerened citizen magbukas lamang ng youtube, dyaryo, manood ulit tv dahil isang linggo naman ito ipapalabas at ibabalita. Umaga, tanghali, hapon, gabi at madalin

PBBteens4 Big Night

Imahe
Hello Philippines and hello World! Natapos na nga ang programa ng sikat na sikat na bahay sa buong Pilipinas ang PinoyBigBrother Teens 4. Malaking katanungan ang nabuo sa mga tao ukol sa mga bagay na kung sino ang karapat-dapat manalo at kung sino ang nagpakatotoo sa apat na natitira na umabot sa pinakahihintay na Bignight. Madaming agam-agam, kuro-kuro at opinyon na kumalat sa gilid-gilid. Umabot pa sa pinag-aagawang Sparatly Islands. "Siya ang nagpakatotoo sa bahay ni Kuya siya ang dapat manalo!" sabi ng kapitbahay namin na hindi naman binabanggit kung sino ang gusto nyang manalo. "Iboto po natin si Joj and Jai dahil sila ang naging mabuting halimbawa ng kabataang pinoy" Opinyon ng isang sikat na artista. Hindi ko masyadong naalala kung ano ang eksakto nyang sinabi basta ganyan yon. "Ang Big Winner para sa akin ay si Karen. Sya ang nagpakatotoo sa bahay ni Kuya." Sabi nung kulot na mamayan ng pinakamamahal nating Pilipinas. "Siya ang nagpaka