Miampluwensya, politiko at boksingero (Manny Paquiao)

talo na si Manny, Manny, Manny
tinalo ni Bradley, Bradley, Bradley
Umiyak tuloy si Jinkee.....
Nahimatay pa si Mommy.....
*Let sing Pricetag

Natalo o nanalo? laging may komento ukol dito. May nagsasabing dinaya sa puntos at may sang-ayon sa desisyon ng mga hurado. Hindi inaasahan ng mga Pilipinong suportado ng pambansang kamao ang pagkatalo nito dahil dito nagkaroon ng mga haka-haka o mga opinyon na kumakalat ngayon sa labas ng ating mga bahay.
Sabi ng isang kaibigan. Taktika nila yon para humaba yung laban magkakaron ng rematch para mas madaming pera.
 Sabi ng kapitbahay namin. matanda na si si Paquiao, bumagal at humina na sya sumuntok.
 Sabi sa balita. Kitang-kita naman na mas madaming suntok si Paquiao kesa kay Pareng Bradley.
Para sa karagdagang opinyon ng mga sikat na personalidad at mga socially concerened citizen magbukas lamang ng youtube, dyaryo, manood ulit tv dahil isang linggo naman ito ipapalabas at ibabalita. Umaga, tanghali, hapon, gabi at madaling araw.

Bakit pagtalo ang daming haka-haka o mga opinyon? dahil siguro dismayado sa naging resulta, hindi nangyari ang ekspekted na mangyayari, hindi marunong tumanggap ng pagkatalo kagaya na lamang ni Aling Dionisia na mas galit pa kaysa sa anak na nakipagbugbugan. Pupunta na daw sya sa Las Vigas at L.E pagnaglaban ulit ang kanyang anak kay Bradley. Kulang na lang ay maglaslas na sya sa sobrang galit at bugbugin ang mga reporter na umiinterview sakanya. Pagkapanood ko ng interview nya halong emosyon ang naramdaman ko. Hindi ko alam alam kung anong emosyon. magkakahalo nga db>? Matanda na sya at isa na siguro itong senyales upang magritiro sa pakikipagbugbugan. Lahat ng bagay may limitasyon at hindi lahat nasayo ang pulso ng pagkapanalo.


Tanggapin na lang ang desisyon sa isang bagay, mahirap kalabanin ang katotohanan at kung talo gawin itong inspirasyon para sa susunod na paglalaban. Talo o panalo sa haba ng panahon na pakikipagbugbugan mo saludo pa rin ang mga Pilipino sayo. Sa dami ng karangalan na binigay mo sa bansa sapat na yon para tingalain ka ng bawat tao sa mundo. IKAW ANG TUNAY NA PANALO PARA SA AMING MGA PILIPINO.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon