PaComment Isa Lang

Makapangyarihan ang salita, ingatan ang bawat binibitawan, isipin bago sabihin at patunayan na ikaw ay karapat-dapat na galangin na hindi nagpapakita ng kahit ano mang bagay na makakaepekto sa sa taong mambabasa at sa taong nakapaligid sayo.

Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang nais kong iparating dahil alam ko na kahit na anong gawin ko walang mangyayari kundi ilabas ang aking mga opinyon ukol  sa trending at kontrobersyal na buhay ng mga Pilipino.

May nakita akong mensahe na pumukaw sa aking mata, puso at isip. Binasa ko. Binasa kong mabuti. Tiningnan kung sino-sino ang mga ito. Isang 40 years old? na tao walang kasarian. At mga galamay na mga 27, 28, 29,30 years old? walang mga kasarian. At isang bidang nagpapaapi  dahil mahilig magpaawa para apihin at bandang huli babangon naman at dudurugin ang mga taong mapang -api. Sya ay 17 years old. Wala din kasarian. Bagamat ang nang-aapi ay nasa hustong gulang na. Wala pa din syang pakundangan na sumagaot at mang-api na hindi ayon sakanilang edad. Mga nagkampihan pa ang mga nang-aapi. Parang sa mga super heavy mega drama na napapanood natin sa mga telebisyon. "Mayaman ako. Lahat kaya kong bilin. Pati ikaw, gusto mo bilin na kita? Sabay sampal. Sabunot sabay iyak ang nagpapaapi." Parang ganito yung nais ipahiwatig ng mga comment nila sa isa't-isa. Kinakalaban nila ang mga taong walang laban at wala sa hustong gulang para batuhin ng mga salitang hindi angkop sa sumasalo.

Sinasabi ko ito dahil parang baluktot na ang mga pangyayari. Binabaluktot pa lalo para maputol na at tuluyan ng hindi mabalik sa dati. Nakakagulat lang na sa tamang edad ng isang tao imbis na maging maunawain at maging isang magandang halimbawa sa mga nakakabata ay nagiging puna pa ito para sabihin na hindi ka karapat-dapat na sabihing nakakatanda sa ugaling ipinapakita. Sa 10 taong nka-online sa fb 8 sakanila nababasa ang mga kumentong hiundi kaaya-aya at 6 sakanila ay wala sa tamng edad na umaabsorb pa kung anong environment ang ginagalawan nila. Hindi ako nagagalit sa nabasa ko. Medyo napaisip lang ako bakit ganon, ganito at ganyan.

Umarte sa edad na pawang mga bagay na sumasabay sa galaw at simoy ng hangin. Huwag gumaya sa PBB teens. Haha! Ang 40 years old ay menopause na. Kumembot sa edad at kumanta na naayon sayo

Mahirap magsalita pero mas madaling mag-isip ng tama at mali na naaayon sa iyong edad. Huwag gawin mas nakakahiya ang sarili mo kesa sa taong pinapahiya mo.


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon