Alamat ni Juanita
Si Juanita. Si Juanita na maganda. Si Juanita na makinis ang kasingit-singitan. Si Juanita na mapagmahal. Si Juanita na mabait na bukas 24 oras sa lahat. Si Juanita ulit. Mahilig siyang gumala sa gabi upang mag-alok ng lahat na pwedeng alukin para sa pamilya. Uuwi na lang siya na may dalang supot ng pagkain at gamot para sa nanay, tatay kapatid at kapit-bahay na may sakit. Ganito ang eksena.... Nay, nandito na po ako. May dala po akong pagkain at gamot. Nay, Nay, Nay! Nay! Bakit hindi kayo sumasagot? Nay? Bakit niyo ko iniwan? (Sinampal ni Juanita ang Nanay baka sakaling sumagot. Mga sampung sampal) Nakakumot ang Nanay. Tinanggal nya ang kumot nito. Nagulat si Juanita. Hindi pala niya Nanay ang nakahiga kung hindi ang kapit-bahay nila. Tumayo na lang siya na parang walang nangyari at hinanda ang dalang pagkain. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi nagbabago ang kanyang gawain. Gala sa gabi, alok-alok ng lahat ng pwedeng alukin at mag-uwi ng pagkain. Minsan, naisip na niya na