MMK Konti o Philippine Ghost Story?
Hindi mo hawak lahat ng nangyayari sayo at sa paligid, kailangan lang isipin na hindi mangyayari ang isang bagay kung hindi mo kayang lagpasan at irapan na lang ito kapag nakabangon na.
Minsan, maka-Diyos ako. Dasal-dasal konti at medyo simba-simba. Pero sa lahat na nagyayari sa buhay ko hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Parang Atheist pag-emo o maka-Diyos na dasal-dasal at simba-simba.
Nagpapasalamat na lang ako dahil binatukan ako ng isang tao at paunawain kung ano ang dapat paniwalaan at dapat na pananaw sa buhay.
Isang buwan na ang tumakbo, nakapag-move on na ko sa lahat ng pasakit at hirap na pinagtagumpayan ko. Hindi ko din naman inaasahan na mahihiwa ako at humiga na halos isang buwan sa kama dahil hindi makapaglakad. Dito ko naranasan ang lahat at makilala ang patuloy na kikilalanin.
Hindi na ko pilantod kagaya ng dati na kailangan ng tungkod para makapaglakad, hindi ko na kailangan uminom ng gamot araw-araw, hindi ko na kailangang umiyak habang nakahiga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman, at hindi ko na din kailangang magpaturok ng kung ano-ano para lamang gumaling. Basta ang tanging alam ko na lang ay magpasalamat sa mga taong tumulong at patuloy pangtumutulong kahit na ang pagtulong na ito ay may kapalit na kailangan mong tanggapin lahat ng binabato sayo.
Maraming salamat po pala sa mga taong nag-aksaya ng oras para lamang madalawa at kamustahin ako at mga taong nag-aksaya ng pamasahe para madalaw lamang ako sa bahay.
Isa lang ang kinakalungkot ko. Hindi na ulit ako makakapagsayaw at makakapgbuhat ng mabigat kahit na may balak pa kong mag-gym.
Ang kailangan ko lang ngayon ay magkatrabaho para mapatunayan sa iba na hindi habang buhay bida ako na pwedeng api-apihin. Babangon ako at dudurugin ko kayo. Haha!
Hindi mo hawak ang bolang kristal na malalaman mo ang mangyayari sayo at sa palagid mo. Ang kailangan lamang ay intindi at konretong paniniwala at pananaw.
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin