Alamat ni Juanita

Si Juanita. Si Juanita na maganda. Si Juanita na makinis ang kasingit-singitan. Si Juanita na mapagmahal. Si Juanita na mabait na bukas 24 oras sa lahat.

Si Juanita ulit.
Mahilig siyang gumala sa gabi upang mag-alok ng lahat na pwedeng alukin para sa pamilya. Uuwi na lang siya na may dalang supot ng pagkain at gamot para sa nanay, tatay kapatid at kapit-bahay na may sakit.

Ganito ang eksena....

Nay, nandito na po ako. May dala po akong pagkain at gamot. Nay, Nay, Nay! Nay! Bakit hindi kayo sumasagot? Nay? Bakit niyo ko iniwan? (Sinampal ni Juanita ang Nanay baka sakaling sumagot. Mga sampung sampal) Nakakumot ang Nanay. Tinanggal nya ang kumot nito. Nagulat si Juanita. Hindi pala niya Nanay ang nakahiga kung hindi ang kapit-bahay nila. Tumayo na lang siya na parang walang nangyari at hinanda ang dalang pagkain.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi nagbabago ang kanyang gawain. Gala sa gabi, alok-alok ng lahat ng pwedeng alukin at mag-uwi ng pagkain. Minsan, naisip na niya na magbagong buhay. Pero hindi niya magawa dahil sanay na siyang magbenta at gumala sa gabi.
Isang araw may amoy lupang lumapit sakanya. "Neng, una palang kitang makita napukaw na ko sa iyong kagandahan." Masuka-suka si Juanita sa sinabi ng matandang amoy lupa na parang isang ubo na lang ay may lalabas ng liwanag at susunduin na siya nito. Pero tiniis ni Juanita ang amoy ng matanda. At hindi nagtagal ay nagpasya na silang magpakasal. Tumira na siya sa bahay ng matandang amoy lupa kasama ang kanyang Nanay, Tatay, mga kapatid at kapit-bahay. Lagi niyang kasama ang kanilang kapit-bahay dahil sa sobrang bait nito.

Hindi rin nagtagal ang buhay ng matandag amoy lupa at sinundo na nga ito ng liwanang. Nakahinga na din si Juanita dahil sa tagal na tiniis niyang amoy. Pinamana sakanya ang lahat ng ari-arian ng matanda kasama ang mga underwear nito na bilin na wag itapon kundi itago at itabi nito sa pagtulog. Sinunod naman ni Juanita ang huling bilin ng matandang amoy lupa dahli sa sobrang bait ni Juanita.

At namuhay na siya ng tahimik at bukas 24 oras sa lahat......


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon