Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2012

Christmas With Medyo Masayang Luha

Magandang panahon, malamig na hangin na dumadampi sa mga balat at kumakantang mga bituin na sumasabay sa kantang pamasko ng mga bata. Nagsimula ang araw ko na may ngiti sa mga labi Ngiti na makakapagbigay ng lakas at saya. Ngiting humahakbang para maabot ang dating panaginip at ngayon ay sumasabay sa agos ng buhay. Bakit nga ba may ngiti ang aking pasko ngayon? Sa tagal-tagal na hinihintay at tanging nasa pangarap ko o nasaisip, hindi inaasahang mga pangyayari. Dumating ang Nanay ko at may dala isang sakong kwenyo. Nanay ko na ang tagal kong hindi nakita dahil nakikisalamuha sa ibang bayan upang mabigyan kami ng magandang kinabukasan. Hindi ko mapaliwanag kung anong nararamdaman ko. Naluha ako ng may ngiti sa mga labi. Magandang regalo para sa pasko. Hindi material na bagay ngunit nakakapagbigay ng saya sa bawat isa. Medyo masayang luha dahil inaabsorb ko pa lang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Parang may after shock sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahan na uuwi ang Nana

Ang Buhay Pag-ibig at Ang Malamig na Pasko

Imahe
Dinalaw ako ng isang musikang makakabuhay nang namatay kong ugat. Na makakapagbigay ng matamis na ngiti at makahulugang mata . Na magbibigay ng ngiti sa aking mga labi at kukulay sa mga bagay na kumupas na. Hindi ko inaasahang sasabay sa tugtog ng musika ang kaloob-looban ko. Bigla na lang akong napadilat at napatulala na pawang nagulat sa hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko mawari kung anong pakiramdam ang mayroon ako sa mga oras na yon. Basta ang tanging alam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko. --- Budoy na Budoy ang dating. Pano ba masasabing mahal mo na ang isang tao? Humingi ako ng tulong sa mga socially concerned citizens para ibahagi ang kanilang sa loobin ukol sa aking katanungan: Interview kunwari..... Si Aguinaldo ay subok sa ganitong sitwasyon. Lagi syang nakakapuno ng isang baldeng luha kapag dumadating ang puntong kakanta na sya ng Dont Say Goodbye. Ako: Pano mo nasabing mahal mo na ang isang tao? Aguinaldo: Kapag nararamdaman ka ng sakanyang iba. Kakaib

Boksing, Kongreso o Manny Many Prices?

Maluwag na kalsada. Lahat nakatutok sa telebisyon. Inuman habang nanonood ng laban. Kahit hindi nauwi ang karangan, madami ka ng napatunayan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa palakasan ng muscle ni Pacquiao at Marquez. Kahit hindi niya nabitbit ang karangalan na inaasam-asam natin ay saludo pa din ako sakanya dahil madami na syang napatunayan, hindi na nya kailangang patunayan ito paulit-ulit dahil umuusad ang panahon na naaayon sa lakas at kondisyon niya. Hindi ko na din tinapos panoorin ang laban nila. Mas naexcite kasi ako sa mga post ng mamayang Pilipino sa ibat'-ibang social site na hindi mo pa tapos panoorin binabalita na nila sa buong mundo. Nakakabigo lang dahil alam mo na panonoorin mo pa. Makikibalita ka na lang sakanila dahil hindi mo pa alam. Sabi ng kainuman ng Tatay ko. "Si Marquez nasa kondisyon si Pacquiao hindi!" (Kwento nya habang paigtaigtad ang ulo sa kalasingan) Sabi ng kaibigan ko. "Dinaya yan! Halatang-halata nama