Christmas With Medyo Masayang Luha

Magandang panahon, malamig na hangin na dumadampi sa mga balat at kumakantang mga bituin na sumasabay sa kantang pamasko ng mga bata.

Nagsimula ang araw ko na may ngiti sa mga labi
Ngiti na makakapagbigay ng lakas at saya.
Ngiting humahakbang para maabot ang dating panaginip at ngayon ay sumasabay sa agos ng buhay.

Bakit nga ba may ngiti ang aking pasko ngayon?

Sa tagal-tagal na hinihintay at tanging nasa pangarap ko o nasaisip, hindi inaasahang mga pangyayari. Dumating ang Nanay ko at may dala isang sakong kwenyo.
Nanay ko na ang tagal kong hindi nakita dahil nakikisalamuha sa ibang bayan upang mabigyan kami ng magandang kinabukasan.
Hindi ko mapaliwanag kung anong nararamdaman ko. Naluha ako ng may ngiti sa mga labi.

Magandang regalo para sa pasko. Hindi material na bagay ngunit nakakapagbigay ng saya sa bawat isa.

Medyo masayang luha dahil inaabsorb ko pa lang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Parang may after shock sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahan na uuwi ang Nanay ko sa inportanteng mga araw pa kagaya ng pasko.




Ito ang kwento PASKO ko. Ikaw anong kwento mo?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon