Boksing, Kongreso o Manny Many Prices?


Maluwag na kalsada.

Lahat nakatutok sa telebisyon.

Inuman habang nanonood ng laban.

Kahit hindi nauwi ang karangan, madami ka ng napatunayan.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa palakasan ng muscle ni Pacquiao at Marquez. Kahit hindi niya nabitbit ang karangalan na inaasam-asam natin ay saludo pa din ako sakanya dahil madami na syang napatunayan, hindi na nya kailangang patunayan ito paulit-ulit dahil umuusad ang panahon na naaayon sa lakas at kondisyon niya.

Hindi ko na din tinapos panoorin ang laban nila. Mas naexcite kasi ako sa mga post ng mamayang Pilipino sa ibat'-ibang social site na hindi mo pa tapos panoorin binabalita na nila sa buong mundo. Nakakabigo lang dahil alam mo na panonoorin mo pa. Makikibalita ka na lang sakanila dahil hindi mo pa alam.

Sabi ng kainuman ng Tatay ko. "Si Marquez nasa kondisyon si Pacquiao hindi!" (Kwento nya habang paigtaigtad ang ulo sa kalasingan)

Sabi ng kaibigan ko. "Dinaya yan! Halatang-halata naman! (Ewan ko ba kung bakit may dayaang nagaganap sa mga ganitong bagay.)

Sabi ng Prof. ko. "Nakakapanghina! Ang mexicutioner, mexicano din pala ang magwawakas ng karera" (Manny Many Prices!)

Sabi nman ni Juanito. "Ayoko ng manood. Papanoorin pa lang natin GM na ng GM na talo si Pacman. " (Kaya nga ako hindi ko na pinanood, tingin-tingin na lang ng picture.)

May sari-sariling komento ukol sa labanang ito. Hindi natin maiiwasan na magkumento na hindi naayon at naayon.   Kaya tayo binigyan ng sariling pag-iisip upang makapagbigay ng kumento na nauukol sa opinyon mo.

Sa sitwasyon ni Manny, may nakapatong sakanyang mga obligasyon at responsibilidad. Hindi diretso ang tingin nya sa isang bagay. Madami pang mga iba't-ibang saklaw. Kagaya ng pagkanta sa programa nya, mamigay ng papremyo, naiwanang pwesto sa kongreso at kung anong sasabihin ng mga Pilipino kung ano ang mangyayari pagkatapos ng laban. 

Hindi sya handa.

Matanda na din siguro at kailangan ng magretiro.

Kahit na hindi nagwagi sa laban, wagi ka pa din para sa aming mga Pilipino. Madami ka ng napatunayan na hindi pa nagagawa ng kahit na sino mang boksingerong nabubuhay ngayon. Saludo kami sa iyo!

Isa kang ALAMAT. Haha! JOke lang konti.

Sariling opinyon at sariling ekspilinasyon. Libre magkumento dahil may sariling opinyon. May magalit man o hindi patuloy pa din ako sa paghagis ng aking opinyon.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon