Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2014

Kwentong Lung Center

Happiness is a choice! nasa iyo kung mananatili kang malungkot o gagawa ng paraan para lumigaya at hindi magmukmok-  DAMUHAN Sabi ni Ricky Lee may quota ang pag-ibig, sa bawat limang umiibig isa lang ang nagiging masaya. Totoo nga bang may quota ang pag-ibig? o kathang isip lamang 'to? Sa modernong panahon ngayon lahat ng bagay kaakbay ni Kerubin. Sa bawat hakbang at sa bawat hanging dumadampi sa katawan lahat ito ay may halong kwento ng pagtibok ng puso ni Juan, Satornina, Fernando at Pedro Kinamot ulit ako ng isipan ko ukol dito. Kumalat na naman ang mga letra sa palagid at isa-isa kong pinulot ang lahat. Si Glaiza De Castronina. Mahilig siyang magsuot ng mahabang tela 'sing haba ng buhok niya dahil sa mga bago niyang gamit bigay ng maykapal. Madalas din niyang palakihin ang mata niya kahit na alam naman naming na given na ang bagay na yon. Isa din siya sa madalas kumanta ng Don't Say Goodbye habang pinupuno ang isang balde

Magulo! Nagkalat! Pupulutin mo na lang!

Imahe
Mabilis magpalit ng mukha ang isang bagay sa modernong panahon ngayon, depende sa takbo ng oras at sa lugar na ginagalawan. Matagal akong nahinto sa pag-aaral. Madaming kadahilanan ngunit kailangan tanggapin dahil iyon  ang reyalidad. Balak ko na ngang sumali sa That's my Tambay (Segment Variety show ng GMA na  Eatbulaga). Makapal ang mukha ko, maniwala man kayo o hindi buo ang loob kong sumali sa  palabas na ito. Tumakbo ang oras na hindi ko man lang namamalayan. Mas mabilis pa sa kurap ng mata. Pagdilat ng mga mata suot ang polo, pantalon at sapatos na humihingi na ng tulong mabigay lang ang  hinihingng hustisya.  Bakit ganito ang suot ko? Saan ba ako pupunta? Bakit dala ko pa ang mga dukumentong matagal ko ng itinago? Hindi huminto sa isip kung ano ang nangyayari. Walang alam sa bawat hanging dumadampi kahit  binubulong na nito ang mga detalye. Ginsing ako ng busina ng tricyle upang alalahanin kung ano, pano at bakit ako naroroon suot a