Magulo! Nagkalat! Pupulutin mo na lang!
Mabilis magpalit ng mukha ang isang bagay sa modernong panahon ngayon, depende sa takbo ng oras at sa lugar na ginagalawan.
Matagal akong nahinto sa pag-aaral. Madaming kadahilanan ngunit kailangan tanggapin dahil iyon
ang reyalidad. Balak ko na ngang sumali sa That's my Tambay (Segment Variety show ng GMA na
Eatbulaga). Makapal ang mukha ko, maniwala man kayo o hindi buo ang loob kong sumali sa
palabas na ito.
Pagdilat ng mga mata suot ang polo, pantalon at sapatos na humihingi na ng tulong mabigay lang ang
hinihingng hustisya.
Bakit ganito ang suot ko?
Saan ba ako pupunta?
Bakit dala ko pa ang mga dukumentong matagal ko ng itinago?
Hindi huminto sa isip kung ano ang nangyayari. Walang alam sa bawat hanging dumadampi kahit
binubulong na nito ang mga detalye.
Ginsing ako ng busina ng tricyle upang alalahanin kung ano, pano at bakit ako naroroon suot ang
polo, pantalon at sapatos na humihingi ng hustisya.
Hindi makapaniwala. Wala pa din sa isip na magbabago ang nakasanayang gawain.
Unang araw ng trabaho. Trabahong hiniling ko araw-araw, pagtulog, paggising at kapag nagsisimba
Ibang mga tao, ibang lugar at ibang amoy ng paligid. Humakbang akong pormal. Hindi tumutingin sa paligid. Diretso lamang ang tingin sa pupuntahan.
Pumasok ako sa tinurong kwarto. Pagbukas ng pinto bumungad sa akin ang iba't-ibang mukha.
Tanging nasa isip ko lang ay makahanap ng upuan upang simulan ang bagong amoy ng paligid.
Habang tumatagal nasasanay na ako sa bagong mukha. Kampante sa bawat kasama, hindi pormal ang lakad, hindi pili ang bawat galaw at ginagawa ang mga responsibilidad na pinatawan kapalit ang dugo't pawis na pinagpaguran.
Lumipas pa ang mga araw mas lalo akong nakapante sa paggalaw. Dumami ang mga kaibigan. Nabibili ang mga gusto at nakakapagbigay sa magulang kapag kinakailangan.
Masaya ako dahil nakikita ko kung ano ang pinagpaguran ko araw-araw. Nahahawakan, nakakain at katabi sa pagtulog ang bawat pawis na pumatak sa Araw-araw na pagpasok.
Sa sayang nararanasan madami na pala akong nakakaligtaan.
Hindi ko na makamusta ang sarili ko kung ayos lang ba ito, hindi ko mabigyan ng atensyon ang Nanay ko sa bawat bato niya ng mensahe sa telepono ko pero yung iba may oras ako para ibalik ang mensaheng binato sa akin at hindi ko na makita kung gaano kadaming usok ang makikita sa kahabaan ng EDSA.
Sa sobrang daming nangyari at nagbago sa akin ngayon, maganda man o hindi, nagkalat na ang mga katanungang ako ang nagbigay ngunit hindi ko alam nakakalat na pala ito.
Pinulot ko isa-isa at pinilit sagutin ang bawat tanong.
Mga tanong na mas iniisp ang ibang tao kaysa sa sariling kapakanan.
Pagkasagot ng lahat ng katanungan wala akong nagawa kung hindi tumulala. Pumasok sa isip ko ang mga salita kahit na wala itong pahintulot. MASAYA PA BA AKO?
Pinipilit kong bigyang pansin lahat ng nakakalat na katanungan na ako ang gumawa pero hindi ko magawa dahil madaming mga balakid na alam ko na masasagot lamang iyon kung nasagot ko an
g salitang pumasok sa isip ko na walang pahintulot. MASAYA PA BA AKO?
MABILIS MAGBAGO ANG MGA BAGAY SA MODERNONG PANAHON NGAYON, DEPENDE SA NAKIKITA, NARIRINIG NAAMOY AT NARARAMDAMAN.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento