Kwentong Lung Center

Happiness is a choice! nasa iyo kung mananatili kang malungkot o gagawa ng paraan para lumigaya at hindi magmukmok-  DAMUHAN







Sabi ni Ricky Lee may quota ang pag-ibig, sa bawat limang umiibig isa lang ang nagiging masaya.





Totoo nga bang may quota ang pag-ibig?





o kathang isip lamang 'to?









Sa modernong panahon ngayon lahat ng bagay kaakbay ni Kerubin. Sa bawat hakbang at sa bawat hanging dumadampi sa katawan lahat ito ay may halong kwento ng pagtibok ng puso ni Juan, Satornina, Fernando at Pedro









Kinamot ulit ako ng isipan ko ukol dito.




Kumalat na naman ang mga letra sa palagid at isa-isa kong pinulot ang lahat.







Si Glaiza De Castronina.
Mahilig siyang magsuot ng mahabang tela 'sing haba ng buhok niya dahil sa mga bago niyang gamit bigay ng maykapal. Madalas din niyang palakihin ang mata niya kahit na alam naman naming na given na ang bagay na yon. Isa din siya sa madalas kumanta ng Don't Say Goodbye habang pinupuno ang isang balde ng luha.





Ang paggising sa namatay na ugat ni Glaiza:




Hindi ko alam kung ano ang simula ng lahat. Ang tanging alam ko lang minsan siyang lumuha kaya mahilig na siya magpalaki ng mata.
Bali-balita ang nakaraan ay bumalik. Alam ko sa sarili ko at nararamdaman ko na apektado pa siya dito kahit ilang beses pa niyang paulit-ulitin na WALA NA! PAST IS PAST.
Pero pilit na binabalik ang nakaraan sa kanya kaya ang tanging nasabi niya lang ay "TANG INA HINDI KO ALAM"





Si Robin Padilla.


Sa pananamit, galaw at hilig aakalain mo na siya ang tunay na Robin. Mahilig siyang kumain ng kanin. Sa almusal, tanghalian, miryenda at hapunan. Hindi siya mabubuhay nang walang kanin' parang kakambal na ito ng buhay niya.





Ang paggising sa namatay na ugat ni Robin:




Hindi siya mahilig magkwento. Sinasabi lang ng mata at kilos niya na malungkot siya. Tinanong ko siya kung bakit siya malungkot dahil kapansin-pansin iyon kahit na ako lang yata ang nakapansin. Kinabukasan ay ikinwento niya kung bakit malungkot ang mata at kilos niya. Ang huli niya lang nasabi " Hindi yon pagiging tanga, Sayang ang ilang taong pagsasama at Nakakasawa na"







Si Medusa.
Si Medusa naman ay may pangangatawan. Kaya niyang magbuhat ng drum gamit ang isang daliri. Huwag mo lang siyang gagalitin dahil pupuluputan ka ng mahaba at kulot niyang buhok. Paborito niyang kantahin ang Pusong Bato kapag patay ang oras.





Ang paggising sa namatay na ugat ni Medusa:


Matindi ang kapit ng helmet sa kanya. Gawa sa adobe kahit hindi nakikita. Isinama ko siya dito kahit na wala pa siya sa quota ngunit may mga bagay ng swak sa panlasa ng pag-quota. Mag-isa siyang nagtatanim ng palay ngunit parehas silang naglalagay ng pataba. THE END!







Si Budoy.
Bukod sa pag-amoy ng kilikili, mahilig din siya mangulangot kahit nandidiri na ang mga kasama nito.





Ang paggising sa namatay na ugat ni Budoy:
LIFE is not always happy ENDING.





Hindi ko na papahabain pa dahil nagmumura na ang tiyan ko. Kahit hindi maintindihan ang isinulat ko, Please pilitin niyong intindihin. Sige na please.





Ito ang nagawa ng pagtambay ko makalipas ang isang oras na pag-alis ng mga kasama ko..........







Ako po si BUDOY isa sa naniniwalang may quota ang pag-ibig at patuloy na magpapa-quota!









Mga Komento

  1. How to Get Started with The Lucky Star Casino
    As for playing, the Lucky Star 김천 출장마사지 is located 평택 출장안마 at the centre of the 경상북도 출장마사지 casino. The Lucky Star 용인 출장마사지 Casino is an eight-story 여주 출장마사지 high-rise in Sydney, Australia,

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon