Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2015

Biglaan.

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw nang munti pang bata sa piling ni Nanay, nais kong maulit ang awit ni inang mahal awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan. May nakilala ako noong isang araw. Si Amie Perez. May kaedaran na pero hindi mo mahahalata sa itsura. Mahilig siyang sumayaw ng Nae Nae habang nakataas ang kilay. Magaling siya sa sales dahil kaya niyang bentahan ang isang buong pamilya kasama na ang alaga nilang aso, pusa, daga, ipis, lamok at langaw. Simula ng makilala ko siya, siya na din ang nagtuturo sa akin upang mahasa ang kakayahan ko. Ilang minuto din kaming nag-usap. Sa sobrang dami naming napag-usapan nag-iba ang ikot ng mundo dahilan upang tumalon sa talambuhay ng bawat isa. Malaki ang pamilya ni Chang Amie. Mga lima yata ang mga anak niya. Pitong taong gulang ang bunso niya at ang iba ay may mga asawa na ngunit sama-sama pa din sila sa isang tahanan. Ilang taon na ding wala ang asawa niya kaya't siya na lang ang nagtataguyod sa mga

Wag kang Pabebe Twerk it Like Miley Habang Kumakanta ng Thinking Out Loud

Imahe
Umalingawngaw sa social media ang iba't-ibang kanta na nagsilbing National Anthem ng Pilipinas. Una, ang Thinking Out Loud na minu-minutong pinatutugtog ng kapit-bahay namin habang naglilinis ng bahay. Ang laki ng epekto nito sa mga Pilipino lalong-lalo na sa mga tambay sa kanto namin dahil ngayon mo lang sila makikitang nagkakaisa at nagbabayanihan dahil kapag narinig na nila itong tumugtog, sabay-sabay nilang susundan ang kanta. Kaya, bilang tambay, nagpapasalamat ako sa bumuo at nagsulat ng Thinking Out Loud dahil dito nagkaisa ang mga tambay at nalayo sa masamang bisyo. Saludo ako kay pareng Ed Sheeran. Hehe! Nang dumating si Twerk it Like Miley kasama ang kapatid niyang si Nae Nae Dance, nagtampo si Thinking Out Loud kaya naisipan niyang lumayo muna pansamatala. Nag-aapoy ng dumating si Twerk it Like Miley dahilan upang pag-usap-usapan ng karamihan.  Nagkalat ang balita. Kalat-kalat. Isang pindot mo lang ay nasa mundo ka na ng Dubsmash at ib

Kwentong Krisel Mallari

Imahe
Maraming tao ang nagbulag-bulagan sa isang sistemang marumi at kaduda-duda ngunit di ko ito tinuluran, ipinaglaban ko ang sa tingin ko ay tama, nanindigan ako bilang isang Pilipino na palaban at may takot sa Diyos. - Krisel Mallari Sa The Bottomline with Boy Abunda ko napanood ang kwento ni Krisel Mallari ukol sa kumakalat na video ng kanyang talumpati.Pinatigil si Krisel habang binigkas ang bawat letra sa kanyang talumpati. Dahil kumamot ang isip ko kung bakit pinatigil si Krisel sa kanyang talumpati, hinanap ko sa youtube ang buong video ng pangyayari. Mapapansin sa video na kalmado siyang nagsasalita sa harap. Habang patuloy siya sa pagsasalita, lumapit sa kanya ang isang guro, kinuha ang mikropono at pinutol ang kanyang pagsasalita. Makikita sa video na kalmado pa din niyang itinuloy ang kanyang naumpisahan, dahil dito nilapitan ulit siya ng guro at nagsalita sa mikropono. Humanap na ang guro ng karamay. Dalawa na silang lumapit kay Krisel. Hindi na din nakaya ng dalaw

Araw ng mga Puso 2015

Ang araw ba ng mga puso ay para lamang sa mga taong nag-iibigan? Tradisyon na sa atin ang araw ng mga puso. Iba't-ibang bulaklak at tsokolate ang sumasabay sa hangin at bumubulong upang ipaalala sa atin na araw ngayon ng mga puso. Dahil dito nagkalat sa social media ang iba't-ibang kembot at opinyon ng bawat tao ukol sa bulong ng araw ng mga puso. Tanong : Anong paalala ng Friday the 13th Sa feb 14? Sagot: May sumpa ang Pag-ibig. Today's reading from the holy book  No More Chance "Walang love, walang forever, ilusyon lang ang Pag-ibig. Huwag madadala sa pelikula ng Star Cinema, gawa gawa lang yan Ni Charo Santos at direk Cathy Garcia Molina. Isang malaking commercialization ang love. Hindi totoong nagkabalikan si Popoy at Basya after 2 years. Walang second chance. Walang Part 2." ‪#‎ hugot‬ ‪#‎ bittermode‬ ‪#‎ charantiaAmpalayaBitterHerb - Isa ito sa kumamot sa isip ko.  Iba ang epekto ng nakikita, naririnig, naamoy at nararamdaman lalo na sa mga napa