Wag kang Pabebe Twerk it Like Miley Habang Kumakanta ng Thinking Out Loud

Umalingawngaw sa social media ang iba't-ibang kanta na nagsilbing National Anthem ng Pilipinas.

Una, ang Thinking Out Loud na minu-minutong pinatutugtog ng kapit-bahay namin habang naglilinis ng bahay.
Ang laki ng epekto nito sa mga Pilipino lalong-lalo na sa mga tambay sa kanto namin dahil ngayon mo lang sila makikitang nagkakaisa at nagbabayanihan dahil kapag narinig na nila itong tumugtog, sabay-sabay nilang susundan ang kanta.
Kaya, bilang tambay, nagpapasalamat ako sa bumuo at nagsulat ng Thinking Out Loud dahil dito nagkaisa ang mga tambay at nalayo sa masamang bisyo. Saludo ako kay pareng Ed Sheeran. Hehe!




Nang dumating si Twerk it Like Miley kasama ang kapatid niyang si Nae Nae Dance, nagtampo si Thinking Out Loud kaya naisipan niyang lumayo muna pansamatala.

Nag-aapoy ng dumating si Twerk it Like Miley dahilan upang pag-usap-usapan ng karamihan. 

Nagkalat ang balita.

Kalat-kalat.

Isang pindot mo lang ay nasa mundo ka na ng Dubsmash at iba't-ibang klase ng pag-Twerk.





Para makagawa ng video na kagaya nito, kinakailangan ang mga sumusunod.

1. May itsura na pwedeng igala sa kalsada.

2. May pangangatawan.

4. Ngiting pang toothpaste

5. Magandang camera.

6. Habang kumukuha, ilapit, ilayo, ilapit, ilayo at ilapit ulit tapos ilayo ulit ang mukha sa camera. 

7. Ipa-like sa kaibigan. Pag-ayaw, pilitin.

Ayon sa tsismis, kapag may pangangatawan at may itsura ang isang tao sila lang daw ang may karapatang gumawa nito.

Pagkamot ni BUDOY: Sa dami ng tao na gumawa ng ganitong video, ilan ang tunay sa kanila? I-TEXT ang Name, address at ang iyong sagot at i-send sa 2345 para sa globe tm at sun subscribers. 2675 naman para smart at tnt subcribers. Ang mapiling tamang sagot ay su-swertihin sa pag-ibig. 
Peksman!


Sa lahat ng ito, napansin mo ba na hango ang mga ito sa ibang bansa? Ang laki ng impluwensiya ng ibang bansa sa atin kahit mismong kanta kaya tayong sakupin.


Sa bawat limang bagong kantang nagkalat sa labas at sa loob ng tahanan, apat dito ay kanta ng mga banyaga at isa lamang dito ang masasabing gawang Pinoy.

kung kaya nating tangkilikin ang mga kantang banyaga ng buong puso, bakit hindi natin kayang tangkilin ang sariling atin???

Buhayan nating ang OPM!

Ang TUNAY na OPM.

Pagbukas ko ng tv bumungad sa akin ang bagong kanta ni Vice na Wag kang Pabebe.

Unang pumasok sa isip ko, Ganitong kanta ba ang gusto ng mga Pilipino? Nasaan ang TUNAY na OPM? 




Kaya huwag ng magtaka kung bakit mas pinipili ng karamihan ang kantang banyaga kaysa sa sariling atin.

Buhayin ang OPM.

Ang tunay na OPM.

PS: Wag kang pabebe Twerk it Like Miley.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon