Biglaan.
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw nang munti pang bata sa piling ni Nanay, nais kong maulit ang awit ni inang mahal awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan. May nakilala ako noong isang araw. Si Amie Perez. May kaedaran na pero hindi mo mahahalata sa itsura. Mahilig siyang sumayaw ng Nae Nae habang nakataas ang kilay. Magaling siya sa sales dahil kaya niyang bentahan ang isang buong pamilya kasama na ang alaga nilang aso, pusa, daga, ipis, lamok at langaw. Simula ng makilala ko siya, siya na din ang nagtuturo sa akin upang mahasa ang kakayahan ko. Ilang minuto din kaming nag-usap. Sa sobrang dami naming napag-usapan nag-iba ang ikot ng mundo dahilan upang tumalon sa talambuhay ng bawat isa. Malaki ang pamilya ni Chang Amie. Mga lima yata ang mga anak niya. Pitong taong gulang ang bunso niya at ang iba ay may mga asawa na ngunit sama-sama pa din sila sa isang tahanan. Ilang taon na ding wala ang asawa niya kaya't siya na lang ang nagtataguyod sa mga