Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?
May mga paniniwala na walang batayan at hindi pa napapatunayan!
Hindi naman masamang maniwala sa mga tradisyonal na ritwal na ginagawa ng mga matatanda kung may nararamdaman ang isang tao. Hilot na may kasamang bulong at tawas na may kasamang dasal na sila lamang ang nakakaintindi at nakakarinig.
Hilot na may kasamang bulong- naalala ko nung bata ako, nagpahilot ako dahil sa haka-haka ng mga kapitbahay namin baka may pilay o nausog. Bago niya ako hinilot ay binulungan muna ako sa may ulo tsaka sinimulan ang paghilot. Nagtataka pa ko kung bakit siya bumubulog sa akin na siya lamang ang nakakarinig at nakakaintindi. Gumaling naman ako pagtapos niya akong hilutin pero nilagnat ulit ng nakalipas ang ilang araw.
Tawas na may kasamang dasal- Dahil nga hindi ako gumaling sa hilot na may kasamang bulong napagdesisyunan na nila na magpatawas na ako. Baka daw kasi may nabati ako o natapakang mga bagay na hindi nakikita. Tumawag nga sila ng magtatawas. Tinawas nga ako. Humingi ang mangtatawas ng dalawang kandila, kutsara at baldeng may lang tubig. Pinutol niya sa kalahati ang isang kandila. INilagay sa kutsara at tinunaw gamit ang isang kandila. Nang tunaw na ang kandila. Nagdasal siya ng pabulong na siya lamang ang nakakaintindi. Binuhos niya ang natunaw na kandila sa kutsara sa baldeng may lamang tubig. May nabuong mga imahe. Tiningnan niya. Isang babae daw ang nakabati sa akin. Nang tiningnan namin mukha nga siyang babae. Kaya naniwala din ako. Pagkatapos non ay gumaling na nga ako. Kaya nung bata ako naniniwala ako sa tawas na may kasamang dasal.
Naalala ko. Timuruan pa niya si Mama na mangtawas para daw sa amin dahil lagi namin siyang pinapatawag. Na kulitan na siguro. HIndi kalaunan naging kasama na nila si Mama sa kampo nila habang kumakanta ng Born This Way ni Lady Gaga. (Uso na ang mga ganoong kanta noong bata pa ako)
May sakit si Mama noong isang araw. Nilalagnat at latang-lata. Nagtanong siya sa kapitbahay namin kung may alam ba itong mangtatawas. Meron naman daw.
Kaya pinatawag niya ito at pumunta sa bahay. Sakto wala kami ng Ate ko sa mga oras na yon. Nagdota kami kasama si Eva Fonda.
Pag-uwi namin sinalubong kami ni Mama ng isang sakong kwento.
"Guminhawa ang pakiramdam ko nung tinawas ako at hinilot. May nakita pang babae na bumati daw sa akin. Sakto bago ako magkasakit may bumati sa akin sa may Baranggay. May nakita pang maliliit na imahe. Siguro, kapag naglalakad tayo tuwing gabi diyan sa labas." Nakangiting sabi ni Mama. Bumalik na siya sa dati. Lagi na ulit siyang nagfifliptop at nagrarap araw-araw.
Hindi ko sinasabi na wag paniwalaan ang mga bagay na pinaniniwalaan ng iba. Sabi nga nila, lahat ng iniisip ay umeepekto sa ating katawan. Kung nasa isip mo na pagkatapos nitong ritwal na ito ay gagaling na ako. Gagaling na ako. Gagaling na ko. Hindi imposibleng gumaling ka dahil nasa isip mo ito.
Ngayong may sarili na kong pag-iisip masasabi ko sa sarili ko na hindi ako naniniwala sa ano mang nakasanayan o tradisyonal na ritwal na ginagawa upang gumaling ang isang tao.
May mga paniniwala na walang batayan at hindi pa napapatunayan!
Feeling ko ang ganda ni Eva Fonda.
TumugonBurahin"Placebo effect" ang tawag sa doon sa expectation na gagaling ang isang tao kapag ginawa niya ang isang procedure o may ininom na certain gamot.
Buti naman gumaling na si Tita. Makikikain ako diyan. Hihi.
Maganda talaga si Eva Fonda. Madami ngang nagkakagusto don.
BurahinSalamat sa dagdag kaalaman. :D
Tara na dito. Tapos dota ulit. Hehe!