Nese Eye ne Eng Lehet na Ayaw Paawat

Nese Eye ne eng lehet menemehel keteng 'pegket. Nese eye ne eng lehet pete eng pese ke......

Sa araw-araw na pagbomba ng mga usok ng sasakyan sa kalsada, pakikipag-talastasan ng mga nagbebenta sa palengke, at mga tambay sa kanto tuwing gabi- hindi mawawala sa tugtugin ang Nasa Iyo na Ang Lahat ni Mr. Daniel Padilla.

Sa bawat sampung kanta na pinapatugtog sa radyo, walo dito ay iba't-ibang kanta sa iba't-ibang singer ngunit dalawa dito ang walang kamatay-matayang Nasa Iyo na Ang Lahat ni Mr. Daniel Padilla.

Sa bawat sampung taong may sariling cellphone, siyam dito ang may Music o mp3 sa cp at tatlo sa kanila ang may Nasa Iyo na Ang Lahat ni Daniel Padilla.

Hindi kataka-taka kung ang buong sambayanang Pilipino ay maging national anthem itong kantang 'to. Bukod sa lagi itong naririnig, lagi din itong katabi ng mga kabataan sa pagtulog. Nagdudulot tuloy ito ng pagka-LSS ng mga tao.

Ang Nasa Iyo na Ang Lahat ni Mr. Daniel Padilla ay isa sa mga kantang pinang-laban sa kakatapos lang na Himig Handog P-pop LOve Song.
Nanood ako ng Grand Finals nito.
Lahat yata ng special awards ay bitbit ng kantang ito.
Pero hindi pumasok sa isip ko na mananalo ang kanta. Bukod kasi sa paulit-ulit lang ang lyrics ng kanta, hindi din ito nabigyan ng mgandang kulay dahil mas madaming pagpapacute kesa sa magandang lyrics na pinatong sa kanta.

Magandang kanta o tinatangkilik dahil sa itsura at kasikatan?

Hindi ko alam kung anong pinakain nito sa mga kabataan ngayon kung bakit kilig na kilig at kulang na lang ay matunaw dahil sa kindat nito.
Parang ganito:
Kung gustong tangkilikin ang isang bagay kina-kailangan ay gawin ito ng isang sikat na personalidad. Kagaya ng mga patalastas, karamihan ay mga sikat ang kinukuha nila upang isagaw sa buong mundo kung ano produkto mayroon sila. Sikat ka! Sikat din ang produkto mo!

Maawa naman kayo 1/4. Kahit isang araw huwag ng patugtugin ang kantang Nasa Iyo na Ang Lahat. Haha!

Maaaring tangkilikin ang isang bagay kung ang pagbibigay buhay sa pagtangkilik ay ang mga personalidad na may muscle at sikat.

P.S : Hindi ko sinasabing panget ang kantang ito. Nagbibigay lang ako ng punto at opinyon dahil isa ako sa mga na-LSS! Haha! Sa araw-araw mo ba naman marinig.



IKAW BA NA LSS NA?






Mga Komento

  1. HUWAAAAAAAAAA! Mayroon ng against kay DANIEL P. Haha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hindi po ako galit o kahit na anong poot na ewan. Nagkomento lang ako. Opinyon ganyan. Haha! Maraming slamat mga isang sako Aguinaldo.

      Burahin
  2. Neseye ne eng lehet
    Menemehel kete pegket
    Neseye ne eng lehet
    Pete eng pese ke

    Repeat to fade.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Fake News ka ba?