Si Janine Togonon, Si Janine na Sikat at Si Janine na Maganda

Ang ganda mo. Feel na feel ang long hair mo....

Kumalat ang balita.

Kalat -kalat.

As in kalat na makikita mo kahit saang parte ng Pilipinas.

Tatlong beses yinanig ni Janine Togonon  ang bansa, dahil dito huminto ang oras ng mga tao upang pag-usapan ito.

Tsismis sa parlor, Tsismis sa palengke, at tsisimis ng kapit bahay namin na nagsanhi ng pagyanig ng bansa.

Unang pagyanig
 - Lahat ng tao ay tutok sa kanilang mga telebisyon upang mapanood ang laban ni Janine sa Miss Universe noong nakaraang taon. Walang traffic, walang krimen at walang socially concerned citizen ang naka-istambay sa kanto. Pina-tigil niya ang oras ng sambayang Pilipino dahil dito.

Pangalawang pagyanig
- Nang matapos na ang kompetisyon na sinalihan nito. Nagkaroon na ng pagkakataon upang ma-interview si Janine na may dalang dalawang sakong kwento.
Ininterview na nga ito. Pagkatapos niyang ma-interview ay binigyan naman ng pagkakataon ang kanyang boyfriend upang makilala ng sambayanang Pilipino. Paglabas sa camera. BOOM! yinanig na naman ang buong bansa. Maayos naman ang itsura nito. Mabait. Hindi pa nga lang uso ang ganoong itsura sa panahon ngayon. Dahil sa nakita naging usap-usapan na naman ito. Nagkalat sa buong bansa.
Hayaan mo na magkahawig naman kami. Wala lang akong nunal. :p

Pangatlong Pagyanig
-Pagbukas ko ng Facebook ko, bumungad sa akin ang isang picture na may kasamang balita. Dahil tsismoso ako binasa ko kung ano ang mayroong balita doon.
Hiwalay na daw si Janine at ang boyfriend nito. Yinanig na naman ng balita ang buong bansa dahil dito. Madaming kumento ang napaloob sa balita. Parang nagtapon lang siya ng 5years sa ginawa nito.


Hindi na ako magtataka na naghiwalay ang dalawang magkarelasyon na ito. Bukod sa sikat na si Janine ay mas madami na itong nakilala at nakakasalamuha na alam naman nating lahat na mas angat kaysa sa sa dati nitong karelasyon.

Nakakapang-hinayang ang limang taong pagsasama nila. Parang itinapon na lamang ito.  Parang sa isang kurap mo lang, wala na ang mga bagay na dating na sa'yo.

Pumili ng isa kung ano ang nina-nais mo. Ilagay sa patlang kung ano ang na-pili.

Tuyo o Manok? _______
Pancit o Spaghetti? ______
Samsung S o Samsung S III? ______
Willie Revillame o Vic Sotto? ______
Abs-cbn o GMA? _____
Philippines o America? _____
Corned Beef o Spam? _____

-Sa aking palagay, ganito ang nangyari o nasa isip ni Janine kaya gumawa siya ng isang desisyon na nagsanhi ng bagong pagyanig ng bansa. Wala na akong ibang kumento dahil sa pagsagot lamang o pagpili ng nasa itaas na bahagi nito ay masasagot na ang mga katanungan sa aking palagay.





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Fake News ka ba?