Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2013

Love Moves na May Halong Kembot

Nung ginagawa ko itong pangalawang kwento ko sa Sampung Iba't-ibang Kwento na Gigising sa Namatay Mong Ugat. Wala sa isip ko na ganito maging tema. Ewan ko ba. Parang gusto ko kasi ng mala-indie yung dating ng kwento. Tapos ayon. Sana magaustuhan niyo kahit na hindi kaaya-aya ang isinulat ko. http://www.wattpad.com/user/dongerardbudoy Dalin mo ako sa iyong palasyo. Maglakad tayo sa hardin ng KahariBOOOOGAN…… Ganito isinalaysay ni Pareng Ricky Lee ang alamat ng Bakla sa libro niyang Amapola: Noong unang panahon o maski na ilang panahon pa iyon, wala pang lalaki. Wala pang babae. Wala pa maski na ano. Pero me isang dilaw na ibong lipad ng lipad. Itong ibon, lipad nang lipad pero bored na bored na talaga. Me nakitang kawayan tinuka niya, lumabas ang pagkaganda-ganda at pagkaseksi-seksing bakla! Nakagown pa! Pink na pink! Winner talga! Pero hindi pa bakla ang tawag sa kanya noon. Tinuka pa nung bird yung isang kawayan at ang lumabas naman ay isang lalaki. Naka brief n

Baha ng Luha Dahil sa Maling Pagtapon ng Basura

Inanyayahan ako ng kaibigan ko na magsulat daw ng mga kwento o istorya sa wattpad. Ginawa ko naman. Gumawa nga ako pero hindi ito perpekto ngunit pinaghirapan ko. Tumatanggap ako ng kritisimo. Hehe! Pag-binasa mo ito ay suswertihin ka sa Pag-ibig.  http://www.wattpad.com/user/dongerardbudoy. Ito na siya. 1 2 3 Sampung Iba't-ibang Kwento na Gigising sa Namatay Mong Ugat. (Unang Kwento) Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito……                 Sa bawat nakakasakay sa MRT o LRT, sumasakay sa pampublikong Jeep, pampasaherong tricycle at bumibili ng tuhog-tuhog dyan sa kanto. Malay mo isa sa kanila ang magpapatibok ng puso mo.                 Isang araw. (hindi pala isang araw. Sadsad na yon)                 Dalawang araw. Gumising si Flor na may ngiti sa labi.  Iba ang nararamdaman niya sa araw na yon. Parang kasundo niya ang iba’t-ibang lamang lupa at amoy lupa sa mga oras na yon.                 Si Flor.                 Oo. S

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

May mga paniniwala na walang batayan at hindi pa napapatunayan! Hindi naman masamang maniwala sa mga tradisyonal na ritwal na ginagawa ng mga matatanda kung may nararamdaman ang isang tao. Hilot na may kasamang bulong at tawas na may kasamang dasal na sila lamang ang nakakaintindi at nakakarinig. Hilot na may kasamang bulong-  naalala ko nung bata ako, nagpahilot ako dahil sa haka-haka ng mga kapitbahay namin baka may pilay o nausog. Bago niya ako hinilot ay binulungan muna ako sa may ulo tsaka sinimulan ang paghilot. Nagtataka pa ko kung bakit siya bumubulog sa akin na siya lamang ang nakakarinig at nakakaintindi. Gumaling naman ako pagtapos niya akong hilutin pero nilagnat ulit ng nakalipas ang ilang araw. Tawas na may kasamang dasal - Dahil nga hindi ako gumaling sa hilot na may kasamang bulong napagdesisyunan na nila na magpatawas na ako. Baka daw kasi may nabati ako o natapakang mga bagay na hindi nakikita. Tumawag nga sila ng magtatawas. Tinawas nga ako.  Humingi ang

Magtanong ka Lang, Wag Lang, Ewan!

Pwede pa lang mag-iba ang gusto mo kahit na pangarap mo pa ito? Mahirap bigyan ng eksplinasyon kung bakit nag-iba ang gusto kong gawin o gawin kapag dumating ang panahong magiging independent na ko sa lahat ng bagay. Pangarap ko talagang maging Engineer balang araw. Makagawa ng bagay na kaya kong ipagmalaki sa iba. Gumawa ng bagay na ikauunlad ko at ng pamilya ko. Ngunit habang lumilipas ang mga araw at napatigil ako sa pag-aaral sa madaming kadahilanan, biglang sumagi sa isip ko na........... Hindi ituloy ang pagiging Engineer at magpalit ng kursong mas nagugustuhan ko na ngayon kahit na pangarap ko pa iyon noon pa man.  Habang istambay sa bahay at huminto sa pag-aaral humanap ako ng pagkakaabalahan para mabawasan ang mga patay na oras na dumadating sa akin.  Madaming libro sa amin. LIbro ng Ate ko, Ate ko, kamag-anak at kapitbahay (Dalawa lang kami sa bahay dati). Naghanap-hanap ako ng pwedeng basahin. Binasa ko nga. Binasa ko ulit tapos binasa ko. Natapos ko ang isang libr