Magtanong ka Lang, Wag Lang, Ewan!

Pwede pa lang mag-iba ang gusto mo kahit na pangarap mo pa ito?

Mahirap bigyan ng eksplinasyon kung bakit nag-iba ang gusto kong gawin o gawin kapag dumating ang panahong magiging independent na ko sa lahat ng bagay.

Pangarap ko talagang maging Engineer balang araw. Makagawa ng bagay na kaya kong ipagmalaki sa iba. Gumawa ng bagay na ikauunlad ko at ng pamilya ko. Ngunit habang lumilipas ang mga araw at napatigil ako sa pag-aaral sa madaming kadahilanan, biglang sumagi sa isip ko na...........

Hindi ituloy ang pagiging Engineer at magpalit ng kursong mas nagugustuhan ko na ngayon kahit na pangarap ko pa iyon noon pa man. 

Habang istambay sa bahay at huminto sa pag-aaral humanap ako ng pagkakaabalahan para mabawasan ang mga patay na oras na dumadating sa akin. 
Madaming libro sa amin. LIbro ng Ate ko, Ate ko, kamag-anak at kapitbahay (Dalawa lang kami sa bahay dati). Naghanap-hanap ako ng pwedeng basahin. Binasa ko nga. Binasa ko ulit tapos binasa ko. Natapos ko ang isang libro ng nakangiti at parang binuksan ang aking mga mata sa mga bagay na hindi ko gawain noon.

Simula noon ay nagbasa-basa na ako ng kung ano-ano pang mga libro. At hindi kalaunan ay naisipan ko na din magsulat. Magsulat ng kabaliwan sa buhay at magsulat ng saloobin sa mundo. Ginamit ko ang pagsulat para ilabas kung ano man ang nasa loob ko na ayaw lumabas kahit na tinataktak ko na para sumilip at hatakin na lang ito para lumabas.

Nasiyahan ako sa gawaiin kong ito. Lalo na kapag may maasar kung bakit ganoon at ganyan ang isinulat ko. Mayroon din namang mga concern na sasabihin "Hindi ka magpakamatay" ewan ko ba kung anong konekta ng pagpapakamatay sa pagsulat? Mayroon din na hindi naniniwala na blog ko yon. ya.ito. iyon. Mayroon din na magpapagawa ng essay project para sa eskwela. May bayad namang meryenda. kahit na trying hard ako may naniniwala pa din.




Kanina habang kumakain kasama si Mama at Ate(yung isa kong Ate yung medyo mataba).

Mama: Next sem papasok ka na ulit.
Ako: Magshishift na ko.
Mama:Bakit?
Ako: Parang gusto ko ng magsulat.
Mama: Ayaw mo ng mag-engineering?
Ako: Kung mag-engineering ulit ako lilipat na lang ako ng ibang school.
Ate:  Yaan mo Ma. Kung anong gusto yaan mo. Eh ayon yung gusto eh!
Ako: (Ngumiti konti)

Gusto ko lang naman magkaroon ng sariling By Line sa dyaryo o kahit ano mang babasahin, magkaroon nang sariling libro na masasabi ko talagang akin. Yung maging Mr. Pogi sa Eat Bulaga. Maging model. Maging Artista. Joke langs. Haha!


Pwede ba talagang magbago ang gusto mo kahit pangarap mo pa ito?

Tama ba o mali? 
Text TAMA kung tama na magpalit ng kurso at sumabak sa ibang bagay na gusto mo at MALI kung sa tingin mo mali ang magpalit ng kurso. Sundin ang dating pangarap at isa lamang katang isip ang pagpapalalit ng kurso. At isend sa 2345 para sa Globe, Tm ang Sun subscribers 6789 naman para sa Smart and tlk and txts subscribers. TEXT NA! 

----Hahaha!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon