Love Moves na May Halong Kembot



Nung ginagawa ko itong pangalawang kwento ko sa Sampung Iba't-ibang Kwento na Gigising sa Namatay Mong Ugat. Wala sa isip ko na ganito maging tema. Ewan ko ba. Parang gusto ko kasi ng mala-indie yung dating ng kwento. Tapos ayon. Sana magaustuhan niyo kahit na hindi kaaya-aya ang isinulat ko. http://www.wattpad.com/user/dongerardbudoy


Dalin mo ako sa iyong palasyo. Maglakad tayo sa hardin ng KahariBOOOOGAN……


Ganito isinalaysay ni Pareng Ricky Lee ang alamat ng Bakla sa libro niyang Amapola:
Noong unang panahon o maski na ilang panahon pa iyon, wala pang lalaki. Wala pang babae. Wala pa maski na ano. Pero me isang dilaw na ibong lipad ng lipad. Itong ibon, lipad nang lipad pero bored na bored na talaga. Me nakitang kawayan tinuka niya, lumabas ang pagkaganda-ganda at pagkaseksi-seksing bakla! Nakagown pa! Pink na pink! Winner talga! Pero hindi pa bakla ang tawag sa kanya noon. Tinuka pa nung bird yung isang kawayan at ang lumabas naman ay isang lalaki. Naka brief na Bench. At iyon ang unang lalaki. Si Malakas. Tapos tinuka niya ang isa pang kawayan at lumabas naman ang isang babae. Tinawag niya na si Maganda.
(Hanga ako sa lawak ng pag-iisip ni Pareng Ricky Lee  kaya naman gusto kong ishare sa inyo ang shinare nya din sa kanyang libro. Share- share lang.)

Sige pa! Ah! Ah! Aaaaah!
Harder! Harder! Woooooooh!
Get! Get! Awwwww!
Slowly but surely hah? Aaaaaaah! Wooooooh!
(With background music na Careless Whisper.)
Pabilis ng pabilis hanggang sumabog at pumutok. Nagkalat ang pawis at puting ipis.
                
Ganito ang gawain ng dalawang ito kapag nagkikita. Makipagkidugan. Ihi lang ang pahinga at mata lang ang walang latay.
                Ayaw nila ng relationships.
                Walang selosan.
                At walang tampuhan.
               
  Pero mahal nila ang isa’t – isa. Ayaw lang nila ng sakit sa ulo. Parang friend with benefits pero mahal nila ang bawat isa.
               
  Nagkikita sila tuwing weekends dahil ayon lang ang araw na walang pasok si Marco sa trabaho. Si Elen naman ay blangko. Ayaw sabihin kung ano ang tunay na trabaho. Raket-reket lang at nagpaparaket.
               
  Si Marco ay masipag na bata. Nakapagtapos siya gamit ang sariling paa, katawan at kagawapuhan, dahil dito nagkaroon siya ng kapangyarihan para utuin ang mga masyosyonda at mga manananggal ng lakas tuwing gabi. Maagang namatay ang kanyang magulang kaya’t wala na siyang iniintindi kundi ang sarili at pakikipagkidugan kay Elen. Si Elen ay magaling kumanta ng listen habang nakabending. Doctorate na siya sa gawaing iyon. Kahit saan kaya niyang kumanta. Sa madilim, dalawang pintong kwarto na walang kusina, at kahit dyan lang kung saan siya nakatayo o maabutan ng talent scout na magbabayad sa kanya basta ay kumanta lamang ito.

Kumain sila sa Tapsilogan pero madami pang klaseng silog.
Marco: Elen, bakit malungkot ka?
Elen: Wala lang. Ikaw ba gusto mong lumungkot?
Marco: san ka ba nanggaling kagabi. Halatang puyat na puyat ka.
Elen: Nagtrabaho. Alam mo naming panggabi pasok ko.
Marco: Ano bang trabaho yan? Inaabuso mo na sarili mo.
Elen: Sa ginagawa mo hindi mo ba ko inaabuso? Hahaha!
Marco: Anong bang trabaho yan? (Tumaasa ang boses mga ¼)
Elen: Sa Mall.
Marco: Panggabi sa Mall.
Elen: Oo. Nagbebenta ako.
Marco: Wag mo nga akong lokohin.
Elen: Hahahaha! Alam mo naman pala eh. Wag ka na kasing magtanong. (Naputol ang usapan dahil sa tawa niya)
               
  Lagi siyang umiiwas kapag tinatanong ni Marco ang trabaho niya. Dinadaan na lamang niya sa biro para maiba ang usapan.

Paggising ni Marco ay nagmadali siyang tingnan ang alarm clock niya kung anong oras na. 9:01am. “Maaga pa pala hindi pa ko late” Pero ang tunay niyang pasok ay 8:00am. Nasanay lang siya sa ganitong pangyayari. Ang malate araw-araw, pagalitan ng boss niyang panot dahil mainitan ang ulo, at mag lakad sa eskinita nilang may bubungad na :
CONGRATULATIONS GRADUATES!
HAPPY FIESTA MAYOR JUANA CHANGE!
MALIGAYANG ARAW NG MGA PUSO KONSEHAL JOSE PUNONGBAYAN!

Patalastas:
(Pantene ni Kris at Bianca)

Isang lingo din siyang hindi nakapagbukas ng FB account niya.

408 notifications
123 Messages
3 friend request

Una niyang tiningnan kung sino ang nagkamaling iaad siya.

Marcelito Quinto Del Pilar- Kaklase ko nung highschool?
Felisidad Para Pampam- Sino to? Mukhang napag-iwanan ng panahon.
Jonathan Batoy Penduco- Parang kilala ko to. (tiningnan ang buong profile) Ngumiti ito at nagbeautiful
eyes

Dali-dali niya itong inadd at tiningnan kung nakaonline o hindi.

Tiningnan ang chatbox

Click…….

Wala ito sa mga nakaonline kaya’t iniwanan na lang niya ng message.
              
  “Jonathhaaan, (didila pagnasa “T” na ng pangalan) Kamusta na? Buti naalala mo pa ko. Tagal mong hindi nagparamdam ah!
                San ka nakatira ngayon?
                Kumakain ka ba ng mabuti?
                Iniinom mo ba mga gamot mo?
               At yung gatas mo? (Joke lang yung tatlong tanong)
                Ito pala number ko “7” itetxt mo na lang ako.

“ Nakaalala pa yung mokong na yon. “ Nakangiting pagkasabi ni Marco. Tumunog ang telepono niya. “ Mh4y owszxapfan t4yow ng4yown 4h! N4szx44n k4 n4?” Text ni Elen sa kanya.

sila sa Panciteria ni Mang Kurneng pero may palabok, siopao at siomai pang tinitinda.
Elen: Nakalimutan mo na naman na magkikita tayo?!
Marco: Hindi ko nakalimutan. Nawala lang sa isip ko.
Elen: (Tinadyakan si Marco) Boplogs ka talaga! Eh parehas lang yon eh!
Marco: Aray, masakit. Tinadyakan ako. ( Mala Jackielyn Jose na tono) Bakit ka ba nananakit? (Pero nakangiti pa din ito)
Elen: Bakit hindi mawala yang ngiti mo?
Marco: Mahirap maghanap pagnawala to.
Elen: Nakakatawa.
Marco: Nakakatawa pala eh. Bakit hindi ka tumatawa?
Elen: Ano bang gusto mo?
Marco: Manlilibre ka?
Elen: Hindi, yung katabi nating table yung manlilibre.
Marco: Ay, nagjojoke. Wag mo ng ulitin yan hah? Last na yan.
              
  Pagkatapos kumain ay diretso sila sa kwartong walang kusina at dalawa ang pinto…..

Sige pa! Ah! Ah! Aaaaah!
Harder! Harder! Woooooooh!
Get! Get! Awwwww!
Slowly but surely hah? Aaaaaaah! Wooooooh!
(With background music na Careless Whisper.)

Pabilis ng pabilis hanggang sumabog at pumutok. Nagkalat ang pawis at putting ipis.
                
Pagkatapos nila magkidugan ay tumunog ang telepono ni Elen.
                “Hello, this is Elen. How may I assist yow?”
                “Ok, mahal talent fee ko.”
                “Osige, san ba tayo magkikita?”
                “Gusto ko yan! Makakalimutan mo pangalan mo”
                “Bye. See you later”
“Sino ba yang kausap mo?” Tanong ni Marco.
“Wala ka ng pakeelam don!” Sigaw ni Elen.
“Alis na ko may kameeting ako” Sabi ni Elen habang sinosoot ang bra at panti na may burdang Wednesday pero Saturday na ngayon.
“Sa ganitong oras? Pautot mo!” Sagot ni Marco.
“Wala kang pakeelam! Mag sarili ka na lang dyan hanggang tumirik mata mo. Aalis na ko. Tatawagan na lang kita” Sabi ulit ni Elen.

Pag-uwi ni Marco ay dali-dali siyang nagbukas ng computer para magcheck ng Fb account, email, blog, wattpad, tumblr at porn kung may bago ng video.
                69 notifications
                3 messages
                No friend request
Unang binuksan ang messages:

Felisidad Para Pampam: Remember me?
Marco: Hindi po. But you looks familiar po. San po ba kayo nanggaling at nagkaganyan mukha niyo po.

Maria Isabelle Jasmine Kei Samantha Saavedra: Hi!
Marco: ( Sa haba ng pangalan ganon naman kaiksi magmessage) Hi. Kamusta? Long time no see ah!

Jonathan Batoy Penduco: Ayos lang ako. Sayempre naman ikaw pa makakalimutan ko. Kababata kaya kita. Simula highschool magkaklase tayo. Kakauwi ko lang galing states. Magkita naman tayo kahit minsan. Ito pala number ko “8” save mo na lang.
Marco: (Online pa siya. Icahat ko na lang)

Chinat nga niya at ganito ang pagchacahat o kuda nila.
                Marco: Hoy. Kahoy. Kasoy. Baboy.
                Jonathan: Haha!
                Marco: Kelan ka pa nakauwi?
                Jonathan: Nung isang araw lang.
                Marco: Nung isang araw? Kelan mo naman balak manlibre? Galing ibang bansa eh!
                Jonathan: Hindi. Kanina lang ako nakauwi. Ikaw nga dapat manlibre.
                Marco: Ah. Kala ko pauwi ka pa lang. Wala pa lang manlilibre wag na tayong magkita. Haha!
                Jonathan: Osige. Wag na lang. Minsan nga lang tayo magkita. Haha!
                Marco: Typing……… (5 minutes nag-isip) Sige na nga! Kung hindi ka lang malakas sakin!
                Jonathan: Joke lang. Ako na lang taya. Next time ka na lang.
                Marco: Ayun oh! May sakit ka ba?
                Jonathan. Oo. Inooperahan nga ako ngayon eh. Habang nagcocomputer. Haha!
                Marco: Haha!

Hindi naman po sila malalandi. Wala po kayong ebidensya.

Patalastas:
                Alamat ng Patatas:
                                Isang linggo. May mga batang mahilig maghukay.
                hukay sa umaga at hukay sa gabi. Habang naghuhukay may nakita ang isang bata.
                “Ano to? Parang mukha mo. Testing nga. (idinikit sa mukha ng isang bata)” BATA 1
                “(Kinuha) Ah! PATATAS!” Pagkasabi ng BATA 2 habang nakataas ang kamay na naka                                                       EBbabes  smile. SIMULA NOON TINAWAG NA ITONG PATATAS!


Cont’
                Jonathan: So….. Single ka pa?
                Marco: Pwede.
                Jonathan: Bakit pwede?
                Marco: Mahabang kwento.
                Jonathan: Gano ka haba? Simula EDSA hanggang Tarlac?
                Marco: Para kang baliw.
                Jonathan: Bakit?
                Marco: Anong bakit?
                Jonathan: Akala ko pick up line. Haha!
                Marco:Gusto mo ba?
                Jonathan: Ikaw?
                Marco: Ako?
                Jonathan: Sige. Offline muna ako. Tatawag daw sila Mommy.
                Marco: Sige. Text-text na lang.
                Jonathan: Tawag ako. OFFLINE.
                
Nasa ibang bansa na ang buong pamilya ni Jonathan. Dinala na siya ng Nanay niya bago pa siya magcollege. Doon na niya pinagpatuloy ang pag-aaral niya. Kaya nawalan na sya ng balita sa Pilipinas.
                
Si Jonathan ang kababata ni Marco. Magbestfriend sila ganyan. Wala kasi sa kanilang tumatagal na kalaro. Iba kasi ang trip ng dalawa. Kaya no choice sila kundi sila lang dalawa. Walang ibang kalaro. Nagtitiisan sa isa’t-isa.
                
Tahimik lang si Jonathan pero pag-umutot. Grabe! Umiistabay sa ilong at nanununtok. Kabisado na din nila ang amoy ng bawat isa, kung ano ang gusto, kung ano ang ayaw at kung galit ito o hindi.
                
Mahilig din silang maglaro ng taguan at bahay-bahayan kahit na walang Nanay, magbasketball kahit walang bola at magpitik bulag habang naka head stand. Para na silang magkapatid. Magkapatid sa lahat ng bagay.
Biglang tumunog ang telepono ni Marco…..
                “Bukas hah? Sunday naman eh. Magkita na lang tayo.” Text ni Jonathan.
                “Sige. San tayo magkikita?” Reply ni Marco
                “Ikaw bahala” Tetxt ulit ni Jonathan.
                “Sige. Bahala na din kung saan” Sagot ni Marco.

Patalastas:
                Alamat ng Mangga:
                                Dalawang linggo. May naglalarong mga bata sa bukirin. “Ah! Taya! Taya! Taya!”
                sigaw ng mga bata. May nahulog sa katapat nila puno. Tiningnan ito ng mga bata. “Ano to?”
                tanong ng isang bata. Kinuha ng isa nilang kalaro. Ah! Mangga! Simula noon ay tinawag na
                itong mangga.
                
Hindi makatulog si Jonathan. Uminom na siya ng 23 na basong gatas pero wala pa ding epekto. Nagbilang na din siya ng mga tupa at umabot na siya sa 2,453 na tupa pero wala pa ding epekto. Gumulong, tumambling at bumending na siya sa kama pero wala pa ding epekto. Napagod lamang siya. Kinuha niya ang telepono niya. “Gising ka pa?” Text niya kay Marco.

Narinig ni Marco na tumunog ang telepono niya kaya’t hinugot niya muna ang ang pinunla niya kay Elena. 
“Tulog na! Haha!” sagot nit kay Jonathan. Naalala niya na may lakad sila bukas ng gabi. “Elena, aalis ako bukas ng gabi.” Sambit nito kay Elena. “Aalis ka na? Iiwan mo na ko? Matitiis mo ko? Hindi ko makakaya. Sanay na kong nandyan ka sa tabi ko kahit weekends lang tayo nagkikita.” Emote ni Elena. Kinaltukan siya ni Marco. “ Putragis ka. Aalis lang ako ang dami mo ng sinabi?!” Sagot ni Marco. “Bakit? Lahat naman binigay ko sayo pero aalis ka pa din. Iiwan mo ko! Pano mo nagawa sa akin to!” Emote ulit ni Elena. Sinapak siya ni Marco. “ Pota. Pag ikaw hindi pa tumigil kakaemote mo pepektusan pa kita!” Asar na pagkasabi ni Marco. “ Ok. Ituloy na natin to. Come on babay yeah!” Hiyaw ni Elena.
                Habang pinupunlaan ulit ni Marco si Elena, tumunog ulit ang telepono nito. Hinugot ulit ang pagkakapunla. “Takte ka Marco. Nakakabitin na! Paputol-putol ka! “ Galit na pagkasabi ni Elena. “Teka lang may nagtext. Babasahin ko lang. Hindi ka pa ba nagsasawa?” Sagot ni Marco. “Sino ba kasi yan? Bakit hindi mo mapaliban. Hindi ka naman ganyan pagnagkikidugan tayo ah!” Tanong ni Elena. “Si Jonathan nga yung kababata ko. Kakauwi lang galing States. Magkikita nga kami bukas di ba?” Sagot ni Marco. “ Pitong mabahong baka naman oh! Edi bukas mo na lang itext. Bukas pa naman kayo magkikita! Bahala ka nga. Matutulog na ko (Binato ng sapatos si Marco)” Galit na pagkasabi ni Elena. “Bakit gising ka pa?” Text ulit ni Jonathan. “Kasama ko si Elena eh” sagot naman ni Marco.

                Sunday ng gabi. Nagkita si Jonathan at Marco sa isang bar sa Timog. Yung bar na may sumasayaw, may iba’t-ibang kulay na gigising sa lamang loob mo, madaming mga babaeng maiiksi ang damit, may mga naglalampungan sa gilid. Disco bar ang pinuntahan nila. Hindi yung bar na iniisip mo. Umorder sila ng beer at pulutan. Crispy pata, sisig, chicharon, lechonng baboy,  at porkchop. May lumapit na isang babae sa kinauupuan nila. “Hi. Sayaw tayo?” sabi ng babaeng may suot na labas ang dalawang bundok, bakat ang dalawang pasas at  kita ang singit sa konting pagyuko nito. Yinayang sumayaw si Marco. Napatingin si Jonathan kay Marco. Napatingin din ito. Tumango si Jonathan at tumayo na si Marco para makipagsayaw sa babaeng nakasuot na Kunin Mo na Ang Lahat sa Akin attire. Tuloy pa din ang pag-inom nito.
                
“Oh, ikaw bakit ayaw mong sumayaw? Libre mo to kailangan mong sulitin.” Sabi ni Marco na nakangiting labas ang gilagid at ngipin. “Ayos lang ako. Hindi rin naman ako marunong sumayaw. Sige, enjoy ka lang” Sagot nito kay Marco. Hindi na sumayaw si Marco. Sinamahan na lang ito.
                “San ka pala nakatira?” Tanong ni Marco.
                “Sa Ortigas may condo ako don.” Sagot ni Jonathan.
                “Sinong kasama mo sa condo mo?”
                “ Ako lang. Wala na sila Mommy sa states na nakatira”
                “Ah. Sa states na.”
                “Hindi. Sa bahay niyo nakatira”
                (Nagtawanan ang dalawa)
                “Bakit hindi ka pa nag-aasawa? At wala ka pang syota?” Tanong ni Marco.
                “Wala lang. Wala pa sa isip ko yung mga ganyang bagay.” Sagot ni Jonathan.
                “Bakit wala pa sa isip mo?”
                “Baka nasa isip mo”
                “Baliw ka talaga. Wala ka pa din pagbabago”
                “ May nagugustuhan na ko pero alam ko naman na hindi ako magugustuhan non kahit na anong
                gawin ko?”
                “Pano mo naman nasabi yon? Eh sa narating mo ngayon bihira ang hindi magkakagusto sayo”
                “May mga bagay kasi na kailangan ng perfect timing”
                “Itagay pa natin yan! Kulang lang yan sa alak”

Hindi na nila namalayan ang oras. Mag-uumaga na ng makauwi sila. Naghiwalay na sila sa kanto malapit sa bahay ni Marco. “Libreng Tule Mayor Joselito Jose Josefina” Nawala ang hilo ni Marco. Pagtingin niya sa eskinitang tambayan ng heavygat na hindi natutulog, nakita niya si Elena. May kayakap. Kumakanta ng listen. Bumending sabay split. Nagulat ito. Nagmadaling pinuntahan si Elena. Hatak nito si Elena. “Pare. Tagay!” epal ng lalaking nakahubad na sing laki ng tiyan ni Kuya Germs. Hindi ito pinansin ni Marco bitbit-bitbit pa rin niya si Elena.
                “Ano ba Marco?! Nasasaktan ako!”
                “Ganito pa ginagawa mo paghindi tayo magkasama?!”
                “Ano naman sayo? Wala kang pakeelam don dahil hindi naman tayo!”
                “Anong tong ginagawa natin? Laro-laro lang?!”
                “Alam mo naman pala bakit nagtatanong ka pa?!”
                “ Umayos ka nga! Mukha kang Pokpok sa ginagawa  mo!”
                “Makapok-pok ka naman. Ang sakit ah! (Nakangiti)”
                “Oh, bakit? Hindi ba?!”
                “Wala kang pakeelam kung anong gawin ko dahil simula’t sapul hindi naman tayo! Kaya wag
                kang magmalinis dyan dahil ginagamit mo din ako! Bitiwan mo nga ako!”

Patalastas:
                Alamat ng Singkamas:
                          May isang lalaking pagod na pagod sa pag-akyat ng bundok. Uhaw na uhaw na ito kaya’t
`               naghanap siya ng bahay na pwedeng makiinom. “Ale! Ale! Pwede po bang makiinom?”

“Ay. Iho wala kaming tubig dito. Kainin mo na lang ito. Makatas ito. Para maibsan man lang ang uhaw mo.”

“Ano po to?”

“Hindi ko din alam kung ano yan. Nahukay lang namin yan dyan sa tapat. Tawagin na lang natin siyang Singkamas”
Kaya’t simula noon tinawag na siyang singkamas.

Dahil sa sobrang galit at inis ni Marco ay napaiyak ito. Tinawagan niya si Jonathan para may makausap.
“Hello Jonathan.”
“Oh? Marco. Bakit?”
“Nasa bahay ka ba?”
“Oo. Bakit? May problema ba?”
“Punta ako dyan sa inyo kailangan ko ng kausap”
“Osige. Ikaw bahala. Hintayin na lang kita dito”

Pagdating ni Marco ay yinakap niya si Jonathan. Umiiyak. Iyak ng iyak. Tapos hindi mawala ang iyak. Iyak ng iyak. Basta iyak siya ng iyak “Bakit ano bang nangyari?” Tanong ni Jonathan. Hindi siya sinagot nito at patuloy pa din ang luhang pumapatak sa mata nito. Pinaupo niya si Marco at binigyan ng malamig na tubig. “Tubig oh. Uminom ka muna.” Sabi ni Jonathan. “Gusto ko yung may kulay lagyan mo na din ng ice” sagot ni marco habang umiiyak. Kumuha nga ito. Kinuha ni Marco ang baso at ininom. Naubos niya ang ibinigay ni Jonthan at nanghingi ulit ito. “Penge pa ngang isa ang sarap eh. Wag mo ng lagyan ng ice” utos ni Marco habang umiiyak.

“Magpahinga ka muna dyan sa kama dito na lang ako sa sofa.” Sambit ni Jonathan. Hindi naman nagsalita si Marco at pumunta na sa kwarto. Gusto nya din kasi sa kama kesa sa sofa. Nang mapagod ng umiyak si Marco ay tinawag niya si Jonathan. Nakapuna na kasi siya ng isang gallon. Handa na itong magkwento.

Habang nagkukwento si Marco kung anong nangyari may biglang lumabas na pink and violet na manok. Naghello sa kanilang dalawa. May lumabas din na rainbow sa harapan nila habang may mga kumakantang anghel. Naka pink na damit at violet na pakpak . Nadala sila sa kanta nito at hinagkan nila ang isa’t-isa. Naglapat ang kanilang mga labi. Tumilaok ang manok “Talap! Talap!” kumanta ang mga anghel ng Listen. Lahat ng enerhiya ng bahay ay napunta sa kanila. Nakaabang naman ang mga LGBT community sa labas kung anong mensaheng ipaparating ng mga enerhiyang naggagaling sa kawarto ni Jonathan at sinabing . May kumanta din ng patalastas ng Downy. Nagrub-rub sila sabay sigaw na RUB IT! Nagbigay din ng mensahe ang Globe. Go lang ng Go!

Umalis na ang manok. Tumigil na sa pagkanta ang anghel. Umuwi na ang mga LGBT community Nawala na ang mga effects na rainbow. Nawala na ang Downy at Globe dahil mahal na ang ibabayad sa kanila kapag tumagal pa ito at nawala na ang mga enerhiyang napabalot sa kwarto ni Jonathan.
                
Paggising ni Jonathan ay wala na si Marco. Hindi man lang nag-iwan ng mensahe.
                Hindi nagpaparamdam. Wala text o tawag. Kahit message man lang sa Fb wala. Kaya sinubukasn niya itong puntahan sa bahay nito. Nagbabakasakaling nandoon.
               
Walang tao sa bahay ni Marco. Sarado ang pinto at mga ilaw.

Tinext na lang niya ito. “Nandito ako sa inyo. Walang tao. Nasan ka?” Text ni Jonathan. Umalis na siya. Naghintay na lamang siya sa reply ni Marco.

Tumunog ang telepono niya. “Nasa trabaho ako.” Reply ni Marco. Napangiti si Jonathan dahil nagtext na to sa kanya. Akala niya ay tuluyan na siya nitong kinalimutan dahil sa mga nangyari. Nakipagkita si Jonathan kay Marco. Pumayag naman ito.
“Oh, kamusta ka na?” Tanong ni Jonathan.
                “Ayos na ko. Ikaw ba?” Balik ni Marco.
                “Babalik na ko ng States sa isang araw.”
                “Bakit? “
                “Pinapauwi na ko ni Mommy. Miss na yata ako. Hehe!”
               
 Sa pag-uusap nila hindi nila nabanggit kung ano mang nangyari sa kanila. Parang natural lang. Ganon pa rin. Walang pagbabago. Patay malisya sa mga nakalipas na araw. Kahit na si Elena ay hindi niya nabanggit sa pag-uusap nila.

Isang araw bago umalis si Jonathan.

Jonathan! Jonathan! Si Marco to. Pinagbukas naman niya ito ng pinto at pinapasok. “Anong ginagawa mo dito” tanong ni Jonathan.

 Yinakap lamang ito ni Marco.

Dalin mo ako sa iyong palasyo. Maglakad tayo sa hardin ng KahariBOOOOGAN……

               








               

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon