Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2016

Si Nanay at Ang Social Media

Imahe
Mabilis na komunikasyon, para sa mabilis na aksyon. Active ako sa social media. Araw-araw akong naglalabas ng sama ng loob gamit ito at nakakabit na sa pang-araw-araw kong gawain ang makisalamuha sa mga taong hindi abot ng powers ko. Habang nagbabasa ako ng mga saloobin ng ilan sa Facebook, may pumukaw sa akin upang basahin ng mabuti at namnamin ang bawat detalye ng socially concerned citizen. Habang binabasa ko ito, naisipan kong  i-share para umabot kung nasaan man ang pamilya ni Nanay. Sa simpleng pag-share ay baka sakaling maibsan kahit ka onti ang nararamdaman niya. Dahil marami ang nakabasa nito at nag-share umabot sa pamilya ni Nanay ang nangyari.  Nakakamangha at nakakataba ng puso sa simpleng pagbasa at pag-share umabot ito sa pamilya ni Nanay upang ipaalam sa pamilya nito kung ano ang nangyari sa kanya. At kay Ate na nag-post nito, isa kang alamat dahil ginamit mo ang Facebook upang makatulong sa nangangailangan. Ganito kalakas ang kapang

Biyahe ni Budoy

Imahe
Si Budoy. Sanay ng mahirapan,  masaktan  at maghitay si Budoy. Huwag tularan si Budoy. Nakatira ako sa Bulacan at sinusuyod ko ang kahabaan ng EDSA para makapasok sa trabaho. Lunes hanggang biyernes ang pasok ko sa trabaho. 9am hanggang 6pm ang oras kasabay ang mga nag-oopisina sa buong Q.C at Maynila.  Kung may hinahabol, OT ng sabado para sa ekonomiya.  Bago pumasok ito ang mga kailangan ni Budoy: 1. Pamasahe sa fx. Baka ilaglag ako sa NLEX kapag hindi ako nagbayad. 2. Beep card para sa tren. Mas maganda kung may ganito para hindi ka na pumila araw-araw. 13 pesos yata ang pinaka mababang pwedeng i-load sa beep card. 3. Para mapagtagumpayan ang number 1 at 2  kinakailangan may tibay at lakas ng loob. Kasama na rin ang magandang kalusugan dahil hindi biro ang iyong pagdadaanan. Araw-araw at paulit-ulit ng ganito ang nararanasan ko at ng mga commuters saan man sulok ng ka-maynilaan.  Nakakapagod pero kailangan. Nakakainis pero

Killing is Killing Sabi nga Nila

Handa ka bang harapin ang pagbabagong inaasam-asam at mawala ang nakasanayan? Isa sa mga tsismis na ipapatupad ng bagong Presidente na si Mayor Duterte ay ang pagbalik ng Death Penalty o Bitay. Bilang isang socially concerned citizen, ito ang pagkamot ko kung bakit suportado ako sa pagbalik nito. Karapatang Pangtao Sabi nila lahat ay may pagkakataong magbago at kawalan raw ng karapatang pangtao ang pagpatay. Tama naman ito. Lahat ay may karapatan at pagkakataong magbago, ngunit ilan lang ba sa kanila ang tunay at kayang panindigan pagbabagong ito?  Sa bawat sampung nakakulong dahil sa matinding kasalanan, isa lang dito ang tunay na nagsisisi at sinusuka ang maling nagawa. Kung ni-rape, pinatay at tinapon sa ilog, nasaan ang karapatang pangtao? Kung hindi tao ang turing sa iba, kaya mo bang bigyan ng pagkakataon at karapatan itong magbago? Pasilidad Dahil hindi natatakot gumawa ng kasalanan ang mga kriminal, tumataas ang bilang ng krimen sa bansa na nagi