Killing is Killing Sabi nga Nila
Handa ka bang harapin ang pagbabagong inaasam-asam at mawala ang nakasanayan?
Isa sa mga tsismis na ipapatupad ng bagong Presidente na si Mayor Duterte ay ang pagbalik ng Death Penalty o Bitay.
Bilang isang socially concerned citizen, ito ang pagkamot ko kung bakit suportado ako sa pagbalik nito.
Karapatang Pangtao
Sabi nila lahat ay may pagkakataong magbago at kawalan raw ng karapatang pangtao ang pagpatay. Tama naman ito. Lahat ay may karapatan at pagkakataong magbago, ngunit ilan lang ba sa kanila ang tunay at kayang panindigan pagbabagong ito?
Sa bawat sampung nakakulong dahil sa matinding kasalanan, isa lang dito ang tunay na nagsisisi at sinusuka ang maling nagawa.
Kung ni-rape, pinatay at tinapon sa ilog, nasaan ang karapatang pangtao? Kung hindi tao ang turing sa iba, kaya mo bang bigyan ng pagkakataon at karapatan itong magbago?
Pasilidad
Dahil hindi natatakot gumawa ng kasalanan ang mga kriminal, tumataas ang bilang ng krimen sa bansa na nagiging sanhi sa kawalan ng pondo pang-suporta at pasilidad na magsisilibing rehas sukli sa kasalang nagawa.
Batas
Ang batas ay gawing BATAS na walang pinipiling ANTAS dahil sa panahon ngayon imbis na JUSTICE ang sinisigaw ng nakararami ay JUSTIIS na lang dahil sa bulok na sistema.
Baguhin ang bulok na sistema para sa mabilis at malinis na pagkilatis.
Korapsyon
Nakakalungkot man pero ito ang katotohanan. Korapsyon sa labas at loob ng kulungan pati na rin sa mga muscleman o PNP. Kung patuloy ang korapsyon lalo na sa mga kumikilatis sa mga sinasabing kriminal baka ma-miracle Cell No.7 tayo.
Ako po si BUDOY handang harapin ang inaasam-asam na pagbabago at mawala ang nakasanayan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento