Si Nanay at Ang Social Media

Mabilis na komunikasyon, para sa mabilis na aksyon.

Active ako sa social media.
Araw-araw akong naglalabas ng sama ng loob gamit ito at nakakabit na sa pang-araw-araw kong gawain ang makisalamuha sa mga taong hindi abot ng powers ko.

Habang nagbabasa ako ng mga saloobin ng ilan sa Facebook, may pumukaw sa akin upang basahin ng mabuti at namnamin ang bawat detalye ng socially concerned citizen.


Habang binabasa ko ito, naisipan kong  i-share para umabot kung nasaan man ang pamilya ni Nanay. Sa simpleng pag-share ay baka sakaling maibsan kahit ka onti ang nararamdaman niya.


Dahil marami ang nakabasa nito at nag-share umabot sa pamilya ni Nanay ang nangyari. 

Nakakamangha at nakakataba ng puso sa simpleng pagbasa at pag-share umabot ito sa pamilya ni Nanay upang ipaalam sa pamilya nito kung ano ang nangyari sa kanya.

At kay Ate na nag-post nito, isa kang alamat dahil ginamit mo ang Facebook upang makatulong sa nangangailangan.

Ganito kalakas ang kapangyarihan ng mabilis na komunikasyon. Aabutin kung ano ang hindi kayang abutin at sabihin ang hindi kayang sabihin.

Gamitin natin ang social media sa mabuting paraan dahil iba ang nagagawa ng mabilis na komunikasyon para sa mabilis na aksyon!


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon