Biyahe ni Budoy
Si Budoy.
Sanay ng mahirapan,
masaktan
at maghitay si Budoy.
Huwag tularan si Budoy.
Nakatira ako sa Bulacan at sinusuyod ko ang kahabaan ng EDSA para makapasok sa trabaho.
Lunes hanggang biyernes ang pasok ko sa trabaho. 9am hanggang 6pm ang oras kasabay ang mga nag-oopisina sa buong Q.C at Maynila.
Kung may hinahabol, OT ng sabado para sa ekonomiya.
Bago pumasok ito ang mga kailangan ni Budoy:
1. Pamasahe sa fx. Baka ilaglag ako sa NLEX kapag hindi ako nagbayad.
2. Beep card para sa tren. Mas maganda kung may ganito para hindi ka na pumila araw-araw. 13 pesos yata ang pinaka mababang pwedeng i-load sa beep card.
3. Para mapagtagumpayan ang number 1 at 2 kinakailangan may tibay at lakas ng loob. Kasama na rin ang magandang kalusugan dahil hindi biro ang iyong pagdadaanan.
Araw-araw at paulit-ulit ng ganito ang nararanasan ko at ng mga commuters saan man sulok ng ka-maynilaan.
Nakakapagod pero kailangan.
Nakakainis pero kailangan.
Para sa akin walang mahirap sa taong may pangarap kung alam mo kung para saan ang pinagpapaguran mo.
Para sa gobyerno, ito ba ang sukli sa dugo't pawis ng mga Pilipinong nagtatrabaho mabigay lang ang magandang kinabukasan para sa pamilya?
Sana sa bagong administrayon ay matugunan ang problema sa transportasyon. Hindi man ganoon kabilis sa inaasahan ng marami, sana maramdaman ang pagbabago kahit isang guhit lang. Yung tipong sa isang tanong isang sentence na lang ang isasagot mo hindi yung back to back ng yellow paper.
Ako po si Budoy sanay ng masaktan, mahirapan at maghintay pero humingi ng pagbabago kahit isang guhit lang!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento