SIRENA ni Gloc-9
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Hindi ako fan ni Gloc-9. Hindi ako mahilig sa mga rap na kanta ngunit nang narinig ko itong trending na bago nyang kanta, wala akong masabi kung hindi IBANG-IBA SA MA IBANG KANTA.
Hindi ko sinasadyang maparingan ang kantang ito. Pinatugtog lamang ng batang hindi mo aakalain na maiintindihan ang kantang ito sa youtube . Pinarinig nya sa akin. Pinaringgan ko naman. Sinabi din nya na, "ang ganda nitong kanta na to. Pero bakit sirena? " Madami syang sinabi mga sampong sako. Hindi ko na matandaan kung ano ang mga laman nito. Hindi ko sinagot dahil hindi ko rin alam kung bakit sirena ang hinahalimbawa nila sa Third Sex na kontrobersyal ngayon.
di na ko magugulat kung maging Pinoy Legend ka Gloc 9. *slow clap*
Good job! Madamdamin at malaman ang lyrics nito.
KUDOS!!!
legend!! IDOL
watta message,, so amazing
its all about RESPECT!!!
come on,, let's do this.. RESPECT
so be it,, hehe
Ito lamang ang mga piling kumento ng publiko ukol sa kantang Sirena. Sinamahan pa ng mahigit isang milyong viewers at mahigit limang libong likes. Wag na nating pansinin ang mga taong nagdislikes.
Hindi lang pala ako ang napukaw nitong kantang ito. Dahil sa nilalaman, pagka-ayos-ayos ng mga mensahe madaming nagkumento at nagustuhan. Hindi rin ako magtataka kung umabot pa ito ng ilang milyon.
Ginawa nila itong kantang ito upang buksan ang mga mata ukol sa mga third sex na maiinit na iniintriga ngayon. Sinasabi nila na lalaki at babae lamang ang ginawa ng Diyos kaya't hindi tanggap ng karamihan ang mga taong nabibilang dito. Kung hindi matanggap, respeto na lang ang kailangan.
Minsan kung sino pa ang Sirenang sinasabi nila ay mas lalaki pa sa tunay na lalaki, ang mas maaabelidad, responsable sa ibang bagay at nagbibigay kasiyahan sa nakararami na hindi man lang kinokonsider nang marami upang irespeto at igalang ang mga taong ito.
kailangan din nating respituhin ang mga bagay na nakatatak sa isip natin ay mali. Kailangan lang natin buksan ang ating mata at palawakin ang pag-iisip upang respituhin din tayo na sinasabi nilang salot sa lipunan.
ok sya
TumugonBurahin